Cassy Legaspi na-diagnose ng hypothyroidism, fitness journey apektado
INAMIN ng Kapuso actress na si Cassy Legaspi na siya ay na-diagnose sa sakit na hypothyroidism.
Nitong Biyernes, January 24, isang health update ang ibinahagi ng aktres sa isang episode ng “Kapuso Artistambayan” kasama ang kanyang kambal na si Mavy Legaspi.
“[I was fatigued] tapos intense falling hair. Sobra talaga! Tapos palagi akong nilalamig, parang may fever ako palagi, pero fever na nilalamig, parang ganoon,” saad ni Cassy.
Aniya, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya at palagi na lamang siyang maysakit.
Baka Bet Mo: Michael Sager umamin na sa tunay na ‘relasyon’ nila ni Cassy Legaspi
View this post on Instagram
Pagpapatuloy niya, “Hindi ko ma-explain, but [I was] always sick tapos hindi ko na kaya mag-gym, mag-workout, [at] hindi na ako madaldal… Who is Cassy without being madaldal?”
Dito nga ay nabanggit niya na nakaapekto ang kanyang sakit hindi lang sa kanyang pagpapapayat pati na rin sa kanyang overall health.
Ngunit sa halip na ma-down ay tila nagkaroon pa si Cassy ng bagong mindset para sa kanyang fitness journey.
“Iyong friends ko and my family, napapansin nila, parang medyo tumamlay [ako]. So noong nagpa-check-up ako, I started [thinking] na, ‘Okay, I think ‘yung goal ko is– ayaw ko nang… gusto ko magpapayat, ganun. I think my new goal is to be healthy.
“E noong na-change ‘yung mindset ko na gusto kong maging healthy, aba! Pak! Ganoon pala ‘yun, guys. Ganoon pala ‘yun. All this time,” kuwento pa ni Cassy.
At dahil doon, sinabi ng aktres sa sarili na hindi na niya goal ang pumayat bagkus ang maging malusog at malakas ang pangangatawan.
“Sabi ko talaga, ‘Alam mo, at this point, Cassandra, ‘wag ka nang [magpapayat]; maging healthy ka muna. Pagkatapos ng healthy, doon ka na maging sexy. Parang ganoon, may abs!” sey pa ni Cassy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.