Lyca Gairanod ultimate dream ang makasama sa pelikula si Sarah G: 'Kahit maging kapatid niya lang ako, basta makatrabaho ko siya!' | Bandera

Lyca Gairanod ultimate dream ang makasama sa pelikula si Sarah G: ‘Kahit maging kapatid niya lang ako, basta makatrabaho ko siya!’

Ervin Santiago |August 16,2023
facebook
share this

Lyca Gairanod ultimate dream ang makasama sa pelikula si Sarah G: ‘Kahit maging kapatid niya lang ako, basta makatrabaho ko siya!’

Ervin Santiago - August 16, 2023 - 06:40 AM

Lyca Gairanod ultimate dream ang makasama sa pelikula si Sarah G: 'Kahit maging kapatid niya lang ako, basta makatrabaho ko lang siya!'

Lyca Gairanod at Sarah Geronimo

KUNG may isang dream project ngayon ang singer-actress na si Lyca Gairanod, yan ay ang makagawa ng pelikula kasama ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Mula nang manalo siyang grand champion sa “The Voice Kids” noong 2014 sa edad na 10, ay narami nang nangyaring pagbabago sa kanyang personal na buhay at showbiz career.

Ngayon ay pinagsasabay na niya ang pagkanta at pag-arte matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency ni Boss Vic del Rosario. Napanood siya recently sa horror film na “Mary Cherry Chua” kung saan pinatunayan ng dalaga na keribels din niyang umarte.

Sey ni Lyca sa isang panayam, “I really wanted to explore a new journey. Actually, talagang marami din po akong pinagdaanan bago ako makapunta sa Viva. Kapag gusto niyo po talaga, talagang gugustuhun niyo po.

“Excited din po ako ngayong nasa Viva na ako kasi talagang gustong-gusto ni Coach Sarah na makasama ako. She often reminds me to always give my best in everything that I do, show my true and authentic self, and enjoy work.”

Ayon kay Lyca, hinding-hindi niya kakalimutan ang kanyang pinagmulan, lalo na ang pagiging basurera, dito raw siya palaging humuhugot ng kanyang inspirasyon para mas lalo pang magsumikap sa buhay.

“Siyempre super importante nun sa life and lahat ng journey na pinagdaanan ko since sumali ako ng The Voice. So, isa din yung nag-motivate na mas tuparin ko pa kung ano pa ‘yung gusto ko, gawin ko pa kung ano ‘yung pangarap na pangarap ko talaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LYCA (@lycagairanod.1)


“So hindi talaga siya nawawala sa akin kasi inspirasyon at motivation ko po siya. Naku hindi (nahihiya). Iba-iba man tayo ng pinanggalingan pero ako, kung saan ako nanggaling, proud po ako doon,” ang pahayag ng dalaga sa panayam ng Push.

Napapanood din si Lyca sa seryeng “For The Love” ng TV5, sa episode na “Anghel” at umaasa siya na sana’y magtuluy-tuloy na ang kanyang acting career.

“Siguro mas magiging active na rin ako sa acting and then siguro puwede rin natin ipagsabay ang vlog kasi habang nasa set ka pwede ka rin naman mag-vlog. Pareho naman silang goal ko,” sey ni Lyca.

Baka Bett Mo: Lyca Gairanod nilinaw ang controversial answer sa ‘Family Feud’: Ang hirap sumagot nang biglaan

At muli nga niyang nabanggit ang pangalan ng kanyang coach sa “The Voice Kids” na si Sarah G, “Ayun nga ‘yung gusto ko, kahit maging kapatid niya lang ako du’n sa movie niya, ganu’n. Basta makatrabaho ko lang si ate Sarah.

“Si ate Sarah kahit saan siya, comedy, drama, lahat naman nagagawa niya. Sana masabayan ko siya.

“Kay coach Sarah siguro last kita namin kumakain kami, may party si boss Vic (del Rosario) so ‘yun lang ‘yun last kita namin. Pero ngayon hindi na kami masyado nakakapag-usap.

“And then ‘yung mga ka-batch ko rin sa The Voice hindi na rin. May kanya-kanya na silang ginagawa, busy na rin sila siguro,” sabi pa niya.

Lyca Gairanod ibinandera ang non-showbiz dyowa, netizens nagbigay payo sa dalaga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lyca Gairanod gusto ring makilala bilang aktres, first time bumida sa isang horror film

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending