JK complete package para kay Sarah; Sylvia nagtagumpay

JK complete package para kay Sarah; Sylvia matagumpay na concert produ

Ervin Santiago - December 01, 2024 - 03:08 PM

JK complete package para kay Sarah; Sylvia matagumpay na concert produ

JK Labajo at Sylvia Sanchez

“ANG weird ng pakiramdam ko. Hindi ko ‘to gets!” ang paulit-ulit na hugot ni JK Labajo sa super successful concert niyang “juan karlos LIVE” sa SM Mall of Asia Arena.

Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na nagawa at napagtagumpayan niya ang isang bongga at napakalaking concert produced by Nathan Studios and directed by Paolo Valenciano.

In fairness, maganda ang10th anniversary concert at talagang nag-enjoy ang audience sa kanyang pamatay na performance. Sing-along ang kanyang fans at supporters sa halos lahat ng kanyang kanta, lalo na sa “Ere” at “Buwan.”

Malalapit din kay JK ang naging special guest niya kabilang na sina Moira dela Torre, Gloc 9, Janine Berdin, Zild at Paolo Benjamin ng Ben & Ben.

Naka-duet din niya si Kyle Echarri through LED screen sa Visayan song na “Kasing-Kasing”. Nasa Indonesia kasi ang kanyang kaibigan ngayon.

Baka Bet Mo: JK Labajo maraming hindi tinanggap na awards: Nagalit nga sa akin ang lola ko!

May pa-shoutout din si Juan Karlos sa girlfriend niyang Deanna Marie Mate, na naglaan talaga ng oras para mapanood siya sa kanyang first ever major concert.

Ilan sa mga celebrities na nanood sa concerr ay sina Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, Martin Nievera, Lorna Tolentino, Eula Valdez, Jed Madela, Ogie Diaz, ang mag-asawang sina Arjo Atayde at Maine Mendoza, at sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Naroon din ang mga co-stars ni JK sa Kapamilya series sa “Senior High” na sina Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Zaijian Jaranilla, Gela Atayde, Miggy Jimenez at Harvey Bautista.


Proud na proud si Sarah kay JK na naging finalist sa unang season ng “The Voice Kids” noong 2014 kung saan isa siya sa mga naging coach.

“So proud of JK, bihira lang yung mga ganyang artists. Grabe yung growth niya, amazing talaga complete package si JK, quality, talent and super sexy!” aniya pa.

Mensahe naman ni Moira kay JK, “So proud of JK. He was amazing. Everything from the visuals, to the stage, to the band.”

Samantala, sabi naman ng may-ari ng Nathan Studios na si Sylvia Sanchez, dream come true para sa kanya ang maipag-produce ng concert ang anak-anakan niyang si JK.

“Gusto ko umiyak. Three years kong niligawan si JK, at ito nangyari na. Idea niya lahat ito together with Paolo (Valenciano),” ani Sylvia.

“Sabi ko dati, ‘Nak tara concert tayo.’ Lagi niyang sagot ayaw pa niya. Kaya sabi ko sige hihintayin kitang magsabi.’ Laging ganu’n tuwing mag-uusap kami ‘yun at ‘yun ang tanong ko, laging hindi pa rin ang sagot, hindi pa raw siya handa.  Magkasama kasi kami sa Senior High at kinukulit ko talaga siya.

“Sabi ko pa nga, ‘kaya mo na ‘yan, may Buwan at Ere ka nang sikat na kanta okay na ‘yan.’ Pero hindi pa rin siya pumapayag,” sey pa ng aktres at producer.

Hanggang sa nakatanggap na siya ng tawag mula sa talent management ni JK at ng music label nito na sinabing handa ng siyang mag-concert sa malaking venue.

“Sabi sa akin ng UMG, may mga gustong mag-produce na ng show ni JK at sinabi nila kay JK, sabi raw, teka muna, may napangakuan ako, si tita Sylvia ‘yun,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, magkakaroon ng world tour ang “juan karlos LIVE” sa Australia, Canada at Amerika next year. Sey ni Ibyang, “Sa akin na ipinagkatiwala ng UMG si JK, akin ang rights ng lahat ng jk live concerts niya.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending