Moira, Gloc-9, Ben&Ben, Janine eeksena sa concert ni JK Labajo sa MOA
NAGHAHANDA na si JK Labajo para sa isang importanteng yugto sa kanyang karera na mangyayari sa SM Mall of Asia Arena sa November 29, ang kanyang unang major concert na “juan karlos LIVE.”
Mula sa stage direction ni Paolo Valenciano kasama si Karel Honasan bilang musical director, pangako ng show ang isang once-in-a-lifetime experience para sa mga fans ni JK.
Ibinuhos ni JK ang kanyang puso’t kaluluwa sa paghahanda sa career milestone na ito, habang nag-eenjoy sa proseso sa bawat detalye ng concert.
“Right now, I’m just trying to really enjoy the process, focusing on the flow of the whole show and focusing on the things I do have control over, like the setlist. Mas magiging nervous ako habang papalapit na ang concert,” sabi ni JK.
Baka Bet Mo: Juan Karlos, Maureen muling pinakilig ang netizens; certified ka-Bandera rin
Nakipag-collab si JK kina Paolo at Karel upang siguraduhin na maipapamalas sa concert ang bagong aspeto niya bialng isang performer, “We’ll be performing songs that we haven’t performed before, and I’m also going to share the stage with the people I’ve released songs with.”
Makakasama ni JK sa spotlight ang kanyang stellar lineup of guest performers. Una si Paolo Benjamin Guico ng beloved folk-pop band na Ben&Ben. Kilala sa kanyang deeply personal songwriting, nakipag-collab si Guico kay JK sa “Tapusin Na Natin ’To” noong 2023 – isang track tungkol sa toxic relationships.
View this post on Instagram
Makakasama din ni JK si Zild Benitez. Sumikat si Zild bilang bahista at bokalista ng IV of Spades at ngayon meron na itong matagumpay na solo career.
Ang kanyang collaboration kasama si Juan Karlos sa “Gabi” mula sa Sad Songs and Bullshit Part 1 album, na lumabas nuong 2023, ang siyang nagpatibay ng kanilang Samahan bilang mga songwriters.
Ang isa pa nilang collaboration, ang “Lunod” — na track na gianwa nila kasama ang Ben&Ben nuong 2021 — ay tungkol sa emotional turmoil at mental health, at standout ito sa Ben&Ben’s “Pebble House, Vol. 1: Kuwaderno” album.
Featured din si Janine Berdin sa concert, na unang sumikat bilang winner ng “Tawag Ng Tanghalan” season 2 sa “It’s Showtime.” Kilala sa kanyang emotional performances at powerful vocals, may collab din sina Janine at JK sa awiting “Pancit” noong 2022, na bahagi ng three-track “Drop 1” project ng singer-songwriter.
Isang playful tale of puppy love, paired with an Alice in Wonderland-inspired music video, ang nagbigay daan para ito ay maging fan favorite. Maliban sa kanyang performance bilang guest, si Janine din ang front act ng “juan karlos LIVE,” setting the tone para sa isang di malilimutang gabi.
Makakasama din ni JK si Moira Dela Torre, na kilala rin bilang isa sa pinakamahusay na songwriters ng kanyang henerasyon. Ang kanyang collab kasama si JK sa awiting “Medyo Ako” mula sa “Sad Songs” and “Bullshit Part 2” album ay tungkol sa paghihiwalayan. Highlighted sa kanta ang blending ng kanilang mga boses, na live mapapanood sa concert.
Kasama rin ang OPM icon na si Gloc-9 sa concert. Noong 2020, nag-collab sila ni JK sa “Sampaguita,” isang awitin tungkol sa emotional struggles at sakripisyo ng mga OFW. Pinagsanib ng awitin ang soulful vocals ni JK at ang mga berso ni Gloc-9 – na alay sa mga paghihirap ng mga OFW.
Ang paglalakbay ni juan karlos na nagsimula noong siya ay 13-year-old finalist sa “The Voice Kids” noong 2014 hanggang siya ay naging isa sa pinaka-matagumpay na artists ng OPM ay talagang kamangha-mangha.
Matapos ang dalawang solo album, binuo niya ang bandang juan karlos, na siyang naglabas ng “Buwan” na isang modern OPM classic. Maliban sa music, nagmarka din si JK bilang isang aktor sa kanyang paglabas sa mga seye gaya ng “Hawak-Kamay”, “Pangako Sa ’Yo,” “A Love to Last”, at “Senior High” sa ABS-CBN.
Ang kanyang pagganap sa “High Street” at sa Netflix film na “Lolo and the Kid” ay nagpamalas din ng kanyang versatility bilang isang artist.
Ang “juan karlos LIVE” ay produced ng Nathan Studios, at minamarkahan nito ang unang pagsabak nito ng sa live entertainment ngayong 2024.
Kilala ang Nathan Studios sa cutting-edge content nito gaya ng “Topakk” at mga series gaya ng “Cattleya Killer” at “The Bagman.”
Tickets to “juan karlos LIVE” range from P750 (General Admission) to P8,500 (SVIP). The latter comes with exclusive perks, including a shirt, tote bag, photo opportunity, and signed poster.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.