Juan Karlos, Maureen muling pinakilig ang netizens; certified ka-Bandera rin | Bandera

Juan Karlos, Maureen muling pinakilig ang netizens; certified ka-Bandera rin

Therese Arceo |November 05,2021
facebook
share this

Juan Karlos, Maureen muling pinakilig ang netizens; certified ka-Bandera rin

Therese Arceo - November 05, 2021 - 01:26 PM

Juan Karlos, Maureen muling pinakilig ang netizens; certified ka-Bandera rin

KINIKILIG pa rin ang mga netizens kina singer-songwriter Juan Karlos Labajo at Miss Universe 2nd runner up Maureen Wroblewitz.

Sa latest post ni Juan Karlos sa kanyang Instagram account, ibinahagi nito ang isang litrato kung saan nakahilig sa kanyang balikat ang dyowang si Maureen habang natutulog.

“May nakatabi ako kanina sa eroplano. Si miss nakatulog sa balikat ko kinilig ako kasi kamukha niya yung si Maureen Bolobiwizt,” saad nito sa caption.

Nireplyan naman siya ng kanyang dyowang beauty queen ng heart emoji.

Agad namang dinahsa ng comments ng kanilang mga taga-suporta.

“Grabi, swerte ni miss, member ng SAMAHAN NG MGA POGI ang katabi nya,” comment ng isang taga-suporta.

Agad naman itong sinagot ni Juan Karlos at sinabing “excuse me po, founder po”.

Hirit pa ng isang netizen, “nagfacemask pa ako, sa selos lang pala ako mamamatay.”

Marami rin sa mga netizens ang pumuri sa relasyon ng dalawa, sobrang chill lang kasi at “couple goals” nga kung ilarawan sila ng mga netizens at supporters nila.

Marami rin ang humihiling na sana ay magtagal pa ang relasyon ng dalawa at sana ay mauwi na rin ang kanilang realasyon sa kasalan.

Taong 2019 nang isapubliko nila Juan Karlos at Maureen ang kanilang relasyon ngunit taong 2017 nang unang maging close ang dalawa.

Samantala, ilang araw na rin ang nakalilipas buhat nang mag-trending ang naging comment ni Juan Karlos patungkol sa pahayag ni Cristy Fermin kay Nadine Lustre.

“inggit ka ghorl?” ito ang comment ni Juan Karlos sa art card ng BANDERA kung saan maraming entertainment pages ang nag-pick up at talaga namang nag-viral.

Kapansin-pansin rin ang ilang “witty” comments ng singer sa iba pang mga articles na inilalabas namin sa BANDERA.

Kaya naman sobra ang galak namin dahil bukod sa lodi talaga sa pag-awit si Juan Karlos ay karangalan para sa amin ang maging parte ka ng mga netizens na sumusuporta sa aming Facebook page.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming salamat sa pag-notice, Juan Karlos! Isa ka nang ganap na ka-Bandera!

Related Chika:
Maureen Wroblewitz ibinandera ang sikreto sa relasyon nila ni JK Labajo; idol na idol si Kathryn
JK nangampanya para kay Maureen sa Miss Universe PH 2021: Panget po yung mga hindi susuporta sa kanya
JK Labajo kay Maureen Wroblewitz: Ikaw pa rin ang Miss Universe ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending