JK naka-duet si Regine, netizens bumilib: ‘Minura ng high notes!’
DREAM come true para sa OPM singer na si Juan Karlos ang makasama sa iisang stage ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.
Isa kasi ang young singer sa mga naging guest performers sa “Regine Rocks: The Repeat” concert na ginanap sa Mall of Asia Arena noong April 19.
Sa Instagram, masayang ibinandera ni JK ang ilang moments ng pagtatanghal.
Mapapanood na kinanta ni Regine ang kanyang 2018 hit song na “Buwan” at kasunod niyan ay lumabas na nga si JK habang kinakanta ang latest single niyang “Ere.”
Makikita rin na birit kung birit ang Asia’s Songbird habang nagbe-blending sila ng binata sa chorus ng nasabing kanta.
Baka Bet Mo: JK Labajo maraming hindi tinanggap na awards: Nagalit nga sa akin ang lola ko!
Panimulang caption ni Juan Karlos sa IG post, “REGINE TOTALLY ROCKS!!!”
“From listening to her songs on the radio as a kid to performing with her on stage in front of thousands of people is an absolute dream!”
“Here’s to an amazing human being; a legend, to life working in mysterious ways, and to OPM [red heart emoji].”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming netizens at fans ang napa-wow at elibs na elibs sa performance ng dalawa.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Minura ng high notes [laughing emoji]”
“Wow!! What a chemistry!! JK is such an “artist”!! Solo concert in Araneta soon!!!”
“[fire emoji] iba ka talaga JK! Bata ka pa lang iba na talaga ang dating mo…Thanks God your shining [star, sparkle emojis] God bless you [folded hands emojis]”
“Kinilabutan ako sa duet niyo @jklabajo_official ang galing sobra! Whoa!”
“I witnessed it with my two wide eyes and I was extremely fascinated with the duo performance. Grabe Ang galing!! Worth ang paos ko sa kakasigaw @reginevalcasid @juankarlos…I believe this need a Concert please.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.