Fans nina Toni, Sarah at Jennylyn bardagulan sa titulong RomCom Queen
BARDAGULAN ang fans and supporters nina Toni Gonzaga, Sarah Geronimo at Jennylyn Mercado sa social media nang dahil sa titulong “RomCom Queen.”
Hot topic at trending sa X (dating Twitter) ang mga pangalan nina Toni, Sarah at Jennylyn matapos umalma ang mga netizens sa pagtawag sa wifey ni Dennis Trillo bilang “RomCom Queen” sa pagbabalik nito sa pelikula.
Iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens sa social media post ng GMA 7 nitong nagdaang January 18 tungkol sa comeback movie ni Jennylyn na “Everything About My Wife”.
Makakasama niya rito ang asawang si Dennis at ang Kapamilya actor na si Sam Milby. Showing na ang pelikula sa mga sinehan simula sa February 26. Narito ang buong post ng GMA:
Baka Bet Mo: Maris binansagan ni John Lapus ng ‘next romcom queen’, lelebel na kina Toni, Angelica at Regine
“JENNYLYN MERCADO IS BACK! ”
“Marami na ang excited sa pagpapalabas ng bagong pelikula ni Jennylyn Mercado na binansagang ‘RomCom Queen’ dahil sa kanyang successful romantic comedy projects sa big screen at telebisyon.
“Ipapalabas ang rom-com film na ‘Everything About My Wife,’ kung saan makakasama niya ang kanyang asawang si Dennis Trillo at si Sam Milby, sa mga sinehan simula February 26.”
View this post on Instagram
In fairness, marami naman ang natuwa sa pagbibigay ng RomCom Queen kay Jen dahil puro blockbuster ang mga ginawa niya pelikula nitong mga nagdaang taon.
Dalawang beses pa ngang nagwagi bilang Best Actress si Jen sa Metro Manila Film Festival 2014 entry na “English Only, Please” at “Walang Forever” noong 2015.
Ngunit kung may mga natuwa ay marami ring netizens ang pumalag sa pagbibigay ng “RomCom Qyeen” title kay Jennylyn. May nagsabing mas karapat-dapat daw ang titulo kina Toni Gonzaga, Sarah Geronimo at Jolina Magdangal. Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:l
“Romcom queen?!! Don’t you dare steal it to The Laida Magtalas, The 3X BOX OFFICE QUEEN, THE ICONIC MOVIE QUEEN OF FAMAS, THE SARAH GERONIMO.”
“Hoy gising @gmanetwork. Kakahiya kina Sarah at kay Toni.”
“GMA mahiya kay Toni G at Sarah G.”
“Ipa copyright nyo na Rin exclusive kay Sarah ang word na romcom queen para wala ng gumamit.”
“Bakit, deserve naman ni Jen, saka hindi ba puwedeng maraming queens?”
“Romcom queen??? Ano bang tumatak na movie nya??? Nakakahiya naman sa hit movies ni Sarah G at Toni G!!!”
“Huh bat nman mahihiya eh si Jen nman tlaga ang may hawak ng title nayan dahil matagal nang walang movie si Sarah at toni G. Kaya wag kayong bitter bwakkkkk bwakkkkk bwakkkkk.”
“No issues to this. Our ultimate star survivor jennylyn Mercado is a certified popssters too. Jen was hailed as one of the rom com queen because of her hit movies English only please walang forever and just the three of us. But then again no competition for this. Jen loves Sarah.”
“I’d say it’s Toni Gonzaga, but we all have our opinions.”
“Not a hater pero parang ang daming mas deserving sa title na yan. Hello Sarah Geronimo? Toni Gonzaga? Bwhwhwhwhwhhh”
“I do feel that if there was a RomCom Queen of the previous generation, it was Toni Gonzaga. Projects with John Lloyd, Piolo, Coco, Vhong, Sam, Zanjoe, heck even Luis Manzano and Vice Ganda all to varying degrees of critical and/or commercial acclaim. Her romcom run with the unofficial ‘My’ series — My Big Love, My Only U, My Amnesia Girl already justifies the title.”
“Sinong nagsabing ninakaw ang title? Hindi ba pwedeng share sa title kung deserve din naman? Masyado lang talaga kayong sakim akala nyo kayo lang may karapatan at uulitin ko walang nakawan ng title na nagaganap. Inyong inyo na yan!!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.