Jennylyn Mercado napa-throwback sa kanyang ‘StarStruck’ journey

Jennylyn Mercado napa-throwback sa kanyang ‘StarStruck’ journey, ibinandera ang first-ever audition

Pauline del Rosario |September 25,2023
facebook
share this

Jennylyn Mercado napa-throwback sa kanyang ‘StarStruck’ journey, ibinandera ang first-ever audition

Pauline del Rosario - September 25, 2023 - 01:05 PM

Jennylyn Mercado napa-throwback sa kanyang ‘StarStruck’ journey, ibinandera ang first-ever audition

PHOTO: Instagram/@mercadojenny

BINALIKAN ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ang kanyang naging journey bago sumikat sa mundo ng showbiz.

Sa Facebook, proud na ibinandera ng aktres ang kanyang throwback video kung saan makikita ang kauna-unahan niyang audition sa reality-based artista search na “StarStruck.”

Mapapanood pa nga na nagpakitang-gilas si Jennylyn pagdating sa galing niya sa pag-arte, pagsayaw at pagkanta.

Sambit pa niya sa audition video, “Watch out! I’m gonna be a star!”

Tila nagdilang anghel nga riyan ang aktres dahil tingnan niyo naman, isa siya sa mga sikat at kilalang artista ngayon.

Ayon kay Jennylyn, naisipan niyang ipakita ang pagsisimula niya sa pagiging artista dahil isang taon nalang daw ay dalawang dekada na siya sa showbiz.

“1 taon nalang at magce-celebrate na si Bessie ng kanyang 20 years mula ng pagkapanalo sa Starstruck,” caption niya.

Baka Bet Mo: Jennylyn, Dennis lumantad na bilang Kakampink: Kailangan naming manindigan para sa aming mga anak

Proud na proud din siyempre ang kanyang mister na aktor na si Dennis Trillo kung saan ni-reshare pa niya ang post ng asawa at sinabing, “Proud ako sa iyo mahal.”

Makikita naman sa comment section na tila nagsilitawan ang avid fans ng aktres na karamihan sa kanila ay nasubaybayan ang pagsikat niya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Ganda simula pa nung una [happy face with heart-eyes emoji].”

“Beautiful as ever! Siya talaga gusto ko manalo sila ni mark..first episode na napanood ko nito ‘nung elimination ni Jade then from there na adik na ako sa starstruck hahahaha.”

“One of my faves Starstruck Survivor Batch 1 [red heart emoji].”

“My favorite in starstruck sinubaybayan ko talaga siya hanggang ngayon.”

Kung matatandaan, si Jennylyn ang kauna-unahang nagwagi ng “Ultimate Female Survivor” sa unang season ng “StartStruck” noong 2003.

Ka-batch niya sa talent search program ang aktor na si Mark Herras na kinilalang “Male Ultimate Suvivor.”

Habang ang itinanghal na “First Princess” noon ay si Yasmien Kurdi at ang “First Prince” ay si Rainer Castillo.

Magugunitang ngayong taon lamang muling bumalik sa showbiz si Jennylyn matapos ang dalawang taong pagpapahinga.

Noong October 2021 nang mabalitaang nagdadalang-tao si Jennylyn kasabay ng kanyang taping sa nasabing TV show.

Dahil diyan, itinigil muna ang pagbuo ng nasabing teleserye at pinagpahinga na muna siya.

Isinilang ng aktres ang first baby nila ng aktor na si Dennis Trillo noong Mayo ng nakaraang taon.

Sa ngayon ay ongoing ang taping ni Jen sa naiwang serye.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Luis: Alam n’yo bang dapat ako ang magho-host ng StarStruck?

Jennylyn Mercado, Dennis Trillo ipinasilip na sa publiko ang mukha ni Baby Dylan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending