Luis: Alam n'yo bang dapat ako ang magho-host ng StarStruck? | Bandera

Luis: Alam n’yo bang dapat ako ang magho-host ng StarStruck?

Ervin Santiago |June 04,2021
facebook
share this

Luis: Alam n’yo bang dapat ako ang magho-host ng StarStruck?

Ervin Santiago - June 04, 2021 - 09:26 AM

TAWA kami nang tawa habang pinanonood ang bagong vlog ni Luis Manzano sa YouTube kung saan nakasama niya ang asawang si Jessy Mendiola at ang kaibigang si Alex Gonzaga.

Mula simula ng video hanggang ending ay wala kang gagawin kundi mag-laugh lang nang mag-laugh dahil sa kalokohan at batuhan ng punchlines nina Luis at Alex.

Inimbitahan ng TV host-actor sina Jessy at Alex para samahan siya sa kanyang “Who knows me better?” vlog kung saan tinanong ni Luis ang dalawang actress-vlogger ng mga random question about him at kailangan nilang mag-unahan sa pagsagot.

Unang question pa lang ni Luis ay pasabog na — ilan daw ang naging girlfriend niya bago siya nagpakasal. Ang sagot ni Alex ay apat, samantalang lima naman si Jessy.

Tama sana si Alex ngunit umapela si Jessy at ipinaglaban ang kanyang sagot. Isinama kasi niya ang naging dyowa ng asawa noong nasa elementary pa lang ito kaya siya ang winner.

Korak uli si Jessy sa tanong ni Luis kung ano ang paborito niyang ginagawa kapag hindi siya busy at nais lamang mag-relax. Ang sagot ng aktres ay ang pagda-dive.

Tawanan din ang tatlo nang tanungin na ng TV host-comedian kung ano ang una niyang dadamputin kung nasusunod ang kanyang bahay.

Walang tumama kina Jessy at Alex dahil ayon kay Luis, “Yung unan ko. ‘Yun ang uunahin ko. Bata pa lang ako, ‘yun na ‘yung unan ko. Bawat out of the country trip ko, sumasama talaga ‘yun. Nawala ‘yun sa hotel dati. Talagang pinahalughog ko sa housekeeping para lang mahanap si pillow.”

Samantala, nabanggit din ni Luis sa nasabing vlog na siya sana ang magiging host ng kauna-unahang artista search ng GMA 7 na “Starstruck.” 

“Alam n’yo ba dapat ako ‘yung magho-host ng ‘StarStruck’? Nu’ng unang-una, in-offer sa akin ‘yun. Girlfriend ko nu’ng time na iyon was Nancy Castiglione. Sila ni Dingdong (Dantes) yata ‘yung nag-host nu’ng first season,” kuwento ni Luis.

Sumingit naman si Alex at sinabing hindi man napunta kay Luis ang “Starstruck”, siya naman ang kinuha ng ABS-CBN para sa reality talent search na “Star Circle Quest.”

Sa tanong naman kung ano ang isa sa biggest fears ng TV host, tumama uli si Jessy nang sabihin nito na takot ang kanyang mister kapag nagpupunta sa dentista.

“Hindi naman phobia. Nauurat lang ako. Nagpapa-sedate (ako kapag nagpupunta sa dentist). ‘Di ba, usually injection lang na anesthesia? Ako kumukuha talaga ako ng doctor and nakaswero. Kailangan ako i-knockout,” pag-amin ng komedyante.

Para sa last question, tinanong ni Luis sina Jessy at Alex kung sino ang kanyang girl best friend. Unang sinagot ni Alex si Anne Curtis ngunit mas tumama siya nang sabihin niya kay Luis na, “Ako tsaka si Jessy.”

Sey pa ng Kapamilya TV host, naisipan niyang gawin ang nasabing vlog bilang pa-tribute na rin niya para sa kanyangvasawa at sa BFF niyang si Alex.

Hirit naman ni Jessy, “Gaganyan-ganyan ka lang pero mahal mo si Cathy (tunay na pangalan ni Alex). Si Cathy ang isa sa mga friends mo talaga na kapag may nangyari, nandoon ka. Ikaw ‘yung unang pupunta talaga.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ending, si Jessy ang nakakuha ng maraming tamang sagot kaya si Alex ang naparusahan sa pamamagitan ng pag-inom ng isang shot ng suka.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending