Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na | Bandera

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

Ervin Santiago - August 22, 2021 - 10:27 AM

Lyca Gairanod at Karen Davila

BUKOD sa viral reaction ni Karen Davila sa kanyang vlog kasama si Lyca Gairanod nang malamang pareho sila ng birthday, hot topic din ngayon ang ilang payo na ibinigay niya sa young Kapamilya singer.

Bilang teenager, binigyan ng advice ng broadcast journalist si Lyca tungkol sa pakikipagrelasyon o pagkakaroon ng dyowa, pag-iipon, edukasyon at sex.

“For you, Lyca, at sa mga kaedad mo, huwag basta-basta magkaka-boyfriend. So, huwag basta-basta magkaka-boyfriend, and ang mangyayari ibibigay mo na yung virginity mo.

“If you’re still a virgin and you’re a teenager, hold on to your virginity and purity. Kumbaga, huwag yung unang boyfriend mo, ang mangyayari, yun ang iisipin mo.

“Yung unang boyfriend mo, ‘tapos niyan, magse-sex na kayo. And before you know it, break na kayo. And after that, wala na.

“So, you have to parang value yourself,” unang paalala ni Karen sa “The Voice Kids” grand champion.

Patuloy pa niya, “So, parang ibinigay mo na ‘yon sa lalaki, wala na, yun na ‘yon. So, wait for the right time, the right guy, and right maturity.”

Pinagsabihan din ng Kapamilya news anchor tungkol sa isyu ng pre-marital sex at teenage pregnancy, “Huwag magpapabuntis nang maaga.”

“When we were growing up, nasa college ako, sabi ng nanay ko, ‘Karen, please, huwag kang mabuntis nang hindi ka handa. Kasi lahat ng hinirap natin sa ‘yo, parang mawawala ang focus,’” sey ni Karen.

Ikinasal ang veteran broadcast journalist sa TV5 executive na si DJ Sta. Ana noong 31 years old siya at nagkaanak sa edad na 32. May dalawa na silang anak ni DJ ngayon.

Sumunod na payo ni Karen kay Lyca, “Finish your studies. It is so tempting na huwag magtapos kasi magtatrabaho. Pero if you can, kayang tapusin ang kolehiyo.”

Hinikayat din niya si Lyca na hangga’t bata pa siya ay mag-ipon lang nang mag-ipon at iwasang gumastos sa mga bagay na hindi naman niya talaga kailangan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang last advice ni Karen sa young singer ay, “Ultimate success formula habang bata kayo, already have a relationship with the Lord.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending