Lyca Gairanod insecure noon sa kanyang balat: Parang lagi nilang sinasabi sa akin 'ang pangit mo' | Bandera

Lyca Gairanod insecure noon sa kanyang balat: Parang lagi nilang sinasabi sa akin ‘ang pangit mo’

Ervin Santiago |March 12,2023
facebook
share this

Lyca Gairanod insecure noon sa kanyang balat: Parang lagi nilang sinasabi sa akin ‘ang pangit mo’

Ervin Santiago - March 12, 2023 - 07:23 AM

Lyca Gairanod insecure noon sa kanyang balat: Parang lagi nilang sinasabi sa akin 'ang pangit mo'

Angela Kan, Janine Berdin at Lyca Gairanod

BINALIKAN ng tatlong Kapamilya young singers na sina Janine Berdin, Lyca Gairanod at Angela Ken ang mga pamba-bash at pangnenega sa kanila ng mga haters noong mas bata pa sila.

Isa-isang nagbigay ng reaksyon ang tatlong dalaga nang ipakita sa kanila ang mga luma nilang litrato sa guesting nila sa “Magandang Buhay” recently.

“Ako po talaga before entering the industry, I really didn’t think about my face po. Parang sobrang wala po akong pakialam sa face ko.

“Confident ako kasi parang feeling ko matalino ako o kumakanta ako, ‘yun lang po ang iniisip ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LYCA (@lycagairanod.1)


“And then only when I get older na na-conscious na po ako sa itsura ko. Pero I am proud of this girl, I love her,” ang pahayag ni Janine habang yakap-yakap ang kanyang throwback photo.

Inamin naman ni Lyca na naging matinding insecurity niya ang kulay ng kanyang balat. May mga nang-ookray daw sa skin niya at tinatawag siya ng kung anu-anong masasakit na salita.

“Siyempre po kapag nabibilad ka sa araw, tapos parang nagda-dark ‘yung skin mo, parang sinasabi nila ‘ang pangit mo.’

“Tinitingnan ko sa salamin ang sarili ko na parang ‘oo nga ‘no.’ Pero dumating po ako sa point na ‘ginawa ako ni mama, ginawa ako ni papa, eto ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE BERDIN (@janineberdin)


“Alam ko kung ano ang sarili ko and I love my self.’ And also proud na proud ako kung ano ang mayroon si Lyca ngayon,” lahad ni Lyca na siyang kauna-unahang grand champion ng The Voice Kids Philippines.

Baka Bet Mo: Lyca binansagang ‘Meme Queen’, mensahe ni Karen: May plano ang Panginoon para sa iyo, I love you!

Biktima rin si Angela ng bullying noong bata pa siya dahil sa haba ng kanyang mukha at sungking mga ngipin.

“Same po ako kay Janine, dati po wala rin po akong insecurities sa sarili ko, siguro ‘yung mga bulliles lang po dati.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angela Ken 🌻 (@anqelaken)


“Pero ngayon na-realize ko na sila rin po ang reason kung bakit mas na-embrace ko ang flaws na mayroon ako, ‘yung imperfection na mayroon ako kasi ibig sabihin noon may tatak sa akin,” pahayag ni Ken.

Sabi ng tatlong batang singer ng  Kapamilya Network, malaking tulong sa kanilang confidence ang mga magagandang comments mula sa ibang tao.

Sabi pa nina Lyca at Angela, nakakatulong din daw ang kani-kanilang boyfriend para mas tumaas pa ang level ng kanilang confidence.

Payo ni Karen kay Lyca wag basta isuko ang virginity: Magse-sex kayo tapos magbi-break and after that, wala na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lyca Gairanod ibinandera ang non-showbiz dyowa, netizens nagbigay payo sa dalaga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending