Zack, Janine nasa MassKara Festival; BINI ni-release ang 'Blooming

Zack, Janine naki-join sa MassKara Festival; BINI ni-release ang ‘Blooming

Pauline del Rosario - October 28, 2024 - 05:00 AM

Zack, Janine naki-join sa MassKara Festival; BINI ni-release ang 'Blooming

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

PASABOG ang pagdiriwang ng MassKara Festival sa tinaguriang City of Smiles –ang Bacolod City!

Bukod kasi sa taunang display ng makukulay na maskara, street dance, at iba’t-ibang gimik na mga palaro ay bonggang-bongga rin ang live performances ng ilang mga OPM artists!

Isa na riyan syempre ang pasabog na event ng Coke Studio, ang music platform ng sikat na beverage company na sumusuporta sa maraming Pinoy musicians.

For this year, si Zack Tabudlo, kasama sina Janine Berdin, Mijon., at Project Juan ang mga nanguna sa Coke Studio concert na naganap sa Bacolod City noong Sabado, October 26.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Zack Tabudlo ‘goal’ ang makatulong sa maraming tao sa pamamagitan ng musika

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Grabe ang energy at performances ng nasabing artists dahil talagang dinumog at pinagkaguluhan ng maraming tao ang event, gayundin ang mga itinayong booths ng Coca-Cola Philippines.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

And wait, there’s more! Alam niyo bang, nag-release ng bagong kanta ang nation’s P-Pop girl group na BINI?

Pinamagatan itong “Blooming” na handog para sa ika-8th season ng Coke Studio!

Bilang inilabas din ito noong Sabado ay nagkaroon pa nga ng listening session sa nasabing event.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapakinggan na ito sa Spotify at ang live performance para sa bagong kanta ay mapapanood sa YouTube sa Lunes, October 28, 6 p.m.

Samantala, nasaksihan din ng BANDERA ang street dance competition sa nasabing piyesta at pitong barangay ang lumahok para riyan.

Ang itinanghal na grand champion ay ang barangay Granada at ang inuwi nilang premyo ay tumataginting na isang milyong piso!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending