EXCLUSIVE: Zack Tabudlo ‘goal’ ang makatulong sa maraming tao

EXCLUSIVE: Zack Tabudlo ‘goal’ ang makatulong sa maraming tao sa pamamagitan ng musika

Pauline del Rosario - July 10, 2023 - 03:23 PM

EXCLUSIVE: Zack Tabudlo ‘goal’ ang makatulong sa maraming tao sa pamamagitan ng musika

PHOTO: Instagram/@zack.tabudlo

KAHIT malayo na ang narating ng OPM artist na si Zack Tabudlo pagdating sa kanyang music career, simple lang ang pangarap niya sa buhay.

Ito raw ay makapagbigay-saya at pag-asa sa maraming tao sa pamamagitan ng kanyang mga kanta.

Ang naging sentimyento na ‘yan ni Zack ay ibinunyag niya mismo sa BANDERA matapos namin siyang tanungin patungkol sa kanyang goals and aspirations in life bilang isang singer.

Ayon pa nga kay Zack, isang malaking karangalan para sa isang music artist na malaman na ang kanyang musika ay nakakatulong sa mga taong nakikinig dito.

“At the end of the day, It’s always just making music and unintentionally kind of helping a lot of people through the lyrics that I created,” sey niya.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Zack Tabudlo may makaka-collab na bigating US artist, sino kaya?

Naikwento rin ng OPM artist na may mga natatanggap siyang mga mensahe na nagpapahayag ng pasasalamat at paghanga sa mga linya ng kanyang mga awitin.

Ito, aniya, ay mahalaga sa kanya dahil isa itong patunay na ang kanyang musika ay naging instrumento upang makapagbigay ng inspirasyon.

Patuloy ng singer, “I see a lot of messages from fans all over the world. Just a few days ago, I received a message and then having to cry with my song ‘Give Me Your Forever’, and all these songs in general that they listened to.”

“It’s a big thing to me that even just out of ten people I can help, one person to kind of change a day and kind of smile throughout a very lonely season on what they go through,” lahad pa niya.

Nabanggit din ni Zack na ang pagiging musikero niya ay hindi lang isang trabaho, kundi isang pangarap na natupad.

Sambit niya, “It’s an amazing feeling that I make music and unintentionally I get to help all of these people with how they listen to everything they do.”

“So that’s an overwhelming feeling for me and that’s definitely an important thing in this job slash my passion,” ani pa ni Zack.

Kamakailan lang ay nilabas ng OPM singer ang bago niyang collaboration song na “Fallin’” kasama ang South African singer na si Nasty C.

Nauna nang ikinuwento ni Zack na siya ang nagsulat ng nasabing kanta at ilan lamang sa mga naging inspirasyon sa paggawa nito ay ang international singers na sina Chris Brown at Justin Bieber.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ang kanta ay ang first collaboration project para sa music platform na Global Coke Studio, kung saan siya rin ang napili bilang first-ever Pinoy artist ambassador.

Mapapakinggan na ang kantang “Fallin’” sa lahat ng music platform, habang ang performance video ng collab song ay ilalabas sa YouTube channel ng Coke Studio sa July 14.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zack Tabudlo feeling ‘honored’ sa bagong collab song, first Pinoy representative ng ‘Global Coke Studio’

Hirit ni Zack Tabudlo nang pakinggan ni BTS Jungkook ang kanyang kanta: ‘I can now die in peace’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending