Belle Mariano, Donny Pangilinan muling maghahatid ng kilig sa madlang pipol, bibida sa bagong music video ni Zack Tabudlo | Bandera

Belle Mariano, Donny Pangilinan muling maghahatid ng kilig sa madlang pipol, bibida sa bagong music video ni Zack Tabudlo

Pauline del Rosario |November 19,2022
facebook
share this

Belle Mariano, Donny Pangilinan muling maghahatid ng kilig sa madlang pipol, bibida sa bagong music video ni Zack Tabudlo

Pauline del Rosario - November 19, 2022 - 02:00 PM
Belle Mariano, Donny Pangilinan muling maghahatid ng kilig sa madlang pipol, bibida sa bagong music video ni Zack Tabudlo

PHOTO: Instagram/@belle_mariano

INAABANGAN na ng maraming fans ang bagong proyekto ng screen couple na sina Belle Mariano at Donny Pangilinan.

Magpapakilig ang dalawa sa bagong music video ng OPM hitmaker na si Zack Tabudlo para sa kantang “Pinadama.”

Wala pang detalye kung ano ang magiging story sa music video, pero ayon kay Zack ay malapit na niya itong i-release.

Ibinandera pa nga ng singer sa kanyang Instagram ang isang picture kasama ang DonBelle at may caption pa itong, “‘Pinadama’ Official Music Video coming vv soon! starring the one and only @donny and @belle_mariano (red heart emoji)”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zack Tabudlo (@zack.tabudlo)

Napa-comment naman ang maraming fans at sinabing hindi na sila makapaghintay sa pagtatamabalan ng dalawa.

Narito ang ilan sa mga komento na aming nabasa:

“Eto solid (fire emoji) (red heart emoji) donbelleXzacktabudlo”

“MY THREE FAVS IN ONE PHOTO (pleading face emoji)”

“yeheyyy can’t wait!!! (white heart emoji)”

Ang kantang “Pinadama” ay isa rin sa mga original soundtrack sa upcoming movie ng DonBelle na may titulong “An Inconvenient Love.”

Ipinost mismo ‘yan ng Star Cinema kalakip ang pasilip ng romantic film.

Sey pa sa caption, “Stream Zack Tabudlo’s Pinadama, part of Star Cinema’s comeback movie AN INCONVENIENT LOVE! Catch it this November 23, 2022, ONLY IN CINEMAS!”

Ang nasabing pelikula ay ang second movie project ng dalawa matapos ang romantic comedy film na “Love is Color Blind” na inilabas noong nakaraang taon.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagtambal ang DonBelle loveteam sa isang music video.

Maaalalang tampok din sila sa music video ng kantang “Upuan” ng OPM band na Ben&Ben.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

DonBelle bumandera sa isang US news outlet para sa ‘An Inconvenient Love’

KDLex, DonBelle pinagsasabong, mga fans umalma: Wala po silang awayan, magkakaibigan ang mga yan!

Donny, Belle may matinding pasabog para sa DonBelle fans; todo pasalamat sa mga natanggap na awards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending