Andrea No. 1 sa ‘Most Beautiful Faces of 2024’, 6 Pinay nakasali

Andrea No. 1 sa ‘100 Most Beautiful Faces of 2024’, 6 pang Pinay kasali rin

Pauline del Rosario - December 29, 2024 - 12:47 PM

Andrea No. 1 sa ‘100 Most Beautiful Faces of 2024’, 6 pang Pinay kasali rin

Andrea Brillantes, Liza Soberano, Janine Gutierrez, Belle Mariano, Aiah Arceta, Gehlee Dangca

BAGO matapos ang taong 2024, pinatunayan ni Andrea Brillantes na pinagpala siya ng kagandahan!

Siya na kasi ang nangunguna sa listahan ng “100 Most Beautiful Face of 2024” na ibinandera ng critic website at UK-based na TC Candler.

Natalo niya si Nancy McDonnie ng K-Pop girl group na Momoland na nag number one last year, pero nasa Top 10 na ngayon.

Ito na ang ikalawang beses na nakasali si Andrea sa nasabing listahan na kung saan noong nakaraang taon ay pang 16th place siya at tanging Pinay na napabilang sa Top 20.

Baka Bet Mo: Da who nga ba si Bella Racelis…ang babaeng pinagpala dahil dyowa na raw ni Joshua Garcia?

For this year, ang pumapangalawa sa “Most Beautiful Faces” ay ang Blackpink member na si Jisoo at ang number three naman ay ang chess player na si Andrea Botez.

Maliban sa Kapamilya actress, anim na Pinay celebrities ang nakapasok din sa 2024 list ng TC Candler!

Kasama riyan sin Janine Gutierrez na nasa Top 28, Liza Soberano na napunta sa ika-31 na pwesto, Belle Mariano na pang-52, Ivana Alawi na naging 69th place, Gehlee Dangca ng K-Pop girl group na UNIS na nasa number 82, at si Aiah Arceta ng BINi na nasa 88th rank.

Matatandaang si Liza ang may longest streak sa nasabing listahan kung saan isang dekada na siyang nasasali.

Last year ay pang-number 28 siya, nasa ika-23rd place naman siya noong 2022, top 18 noong 2021, at naging number one rin noong 2017.

Para naman kay Ivana, ito ang ika-limang beses na nakasali siya kung saan last year ay napunta siya sa 21st place, naging Top 6 siya noong 2022, pang-apat noong 2021, at pang-11 naman noong 2020.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending