Andrea, SB19 Josh at Ken pasok sa ‘100 Most Beautiful & Handsome Faces 2023′
SA kauna-unahang pagkakataon, nakapasok sa listahan ng “100 Most Beautiful Faces” ang Kapamilya young actress na si Andrea Brillantes.
Base sa 2023 ranking ng critic website na TC Candler, si Andrea ay pang-16th place at tanging Pinay na napabilang sa Top 20.
Naungusan niya ang ilan pang Pinay celebrities na naging suki na ng nasabing listahan.
Baka Bet Mo: Josh Cullen game sa aktingan: ‘Gusto ko parang psycho, ‘yung medyo uncommon’
Narito ang kanilang pagkakasunod-sunod:
-
Actress- vlogger Ivana Alawi – 21st place
-
Actress Liza Soberano – 28th place
-
Actress Janine Gutierrez – 45th place
-
Actress Belle Mariano – 71st place
View this post on Instagram
Magugunitang si Liza ang may longest streak sa nasabing listahan kung saan ito na ang pang-siyam na taon niya.
Last year ay nasa pang-number 23 siya, top 18 noong 2021, at naging number one noong 2017.
Para naman kay Ivana, ito ang ika-apat na pagkakataon na nakasali siya kung saan last year ay napunta siya sa Top 6, pang-apat noong 2021, at pang-11 naman noong 2020.
Baka Bet Mo: Andrea Brillantes ayaw nga bang pagsalitain ng production kaya tahimik?
Samantala, mula sa pagiging second place last year, itinanghal na “Most Beautiful Face of 2023” si Nancy McDonnie ng K-Pop girl group na Momoland.
Sinundan siya ng Russian model na si Dasha Taran at TWICE member na si Sana para sa second and third place, respectively.
***
Apat na male Filipino personalities naman ang nakasama sa listahan ng “100 Most Handsome Faces of 2023.”
Kabilang na riyan ang dalawang miyembro ng Pinoy pop sensation na SB19!
Walang iba kundi sina Ken at Josh na nasa ika-34th at 71st place, respectively.
Pati na rin ang dalawang miyembro ng P-Pop boy group na Horizon na sina Kyler at Reyster na napunta sa 27th and 58th spot.
Ang nanguna sa “100 Most Handsome Faces of 2023” ay ang American-French actor Timothée Chalamet.
View this post on Instagram
Para sa kaalaman ng marami, ang taunang listahan ay nagsimula pa noong 1990 na may mahigit 40 na bansa na kinakatawan sa mga ranggo nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.