Andrea Brillantes 'healing' at 'growth' ang wish sa 2024

Andrea Brillantes ‘healing’ at ‘growth’ ang wish sa 2024

Therese Arceo - December 21, 2023 - 03:04 PM

Andrea Brillantes 'healing' at 'growth' ang wish sa 2024

Andrea Brillantes

INAMIN ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes na wala siyang masyadong nilu-look forward sa pagpasok ng 2024.

Isa ang dalaga sa maituturing na controversial actress ngayong taon na talagang pinag-usapan ng madlang pipol.

Ayon sa panayam ni Andrea sa ABS-CBN, “growth” at “healing” lamang ang kanyang hiling sa darating na bagong taon.

“Di na kasi ako masyadong nag-i-expect, basta growth lang, healing,” pagbabahagi ng aktres.

Nang matanong naman kung ano ang wish ni Andrea ngayong darating na Pasko, ito ay ang matuto siyang magmaneho dahil ok naman na daw anv kanyang buong pamilya.

“Christmas wish ko? Masaya naman na po kasi ako, healthy yung buong family ko and maayos naman kami. Siguro, Christmas wish ko na lang ano, matuto na mag-drive,” saad ng “Senior High” lead star.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa ina ni Andrea Brillantes: Para mo pong siniraan yung sarili mo sa publiko

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ilang linggo na lang bago matapos ang 2023 ay patuloy pa ring laman ng usap-usapan ng madlang pipol si Andrea matapos itong maugnay sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

May mga kumalat na chika noong siya ang diumano’y third party sa unconfirmed break up ng KathNiel at palihim daw nitong kinikita ang aktor nang hindi alam ni Kathryn.

Maraming mga fans ang dumipensa para sa aktres at sinabing magkapatid lang ang turingan nina Andrea at Daniel na ilang beses na ring gumanap na magkapatid sa mga proyektong pinagsamahan.

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin nang tuluyan nang kumpirmahin ni Kathryn na tototo ang chikang wala na sila ng kanyang first boyfriend at ka-love team.

Marami ang naniwala na baka nga may kinalaman si Andrea sa paghihiwalay ng dalawa lalo na’t magpasa-hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas na pahayag ukol sa isyu.

Baka Bet Mo: Ogie sa mga namba-bash sa ina ni Andrea: ‘Krimen ba ang pagtulong sa pamilya?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matatandaang noong June nang unang umingay ang pangalan ni Andrea matapod makumpirmang hiwalay na pala sila ng basketbolistang si Ricci Rivero.

Marami kasi ang nakisimpatya sa dalaga dahil tila nagkaroon ng “third party” sa katauhan ni Leren Mae Bautista na mariing pinabulaanan ni Ricci.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending