Ogie Diaz dinepensahan ang ina ni Andrea Brillantes

Ogie sa mga namba-bash sa ina ni Andrea: ‘Krimen ba ang pagtulong sa pamilya?’

Pauline del Rosario |December 15,2023
facebook
share this

Ogie sa mga namba-bash sa ina ni Andrea: ‘Krimen ba ang pagtulong sa pamilya?’

Pauline del Rosario - December 15, 2023 - 03:32 PM

Ogie sa mga namba-bash sa ina ni Andrea: ‘Krimen ba ang pagtulong sa pamilya?’

Ogie Diaz, Mabel Gorostiza, Andrea Brillantes

NAKISAWSAW sa bagong isyu kaugnay sa aktres na si Andrea Brillantes ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Ito ay ‘yung pumalag ang ina ng young actress na si Mabel Gorostiza sa isang netizen na kumukuwestiyon sa kanyang pagpapalaki sa anak.

Magugunita noong December 3 nang mag-post si Mabel patungkol sa kanyang swimming competition sa gitna ng pagkakasangkot ni Andrea bilang dahilan umano sa hiwalayang KathNiel.

Sa kabila ng magandang mensahe ng ina ay hindi maiiwasang may mga mangungulit at mamba-bash sa kanya at sa anak.

“Papano mo kaya pinalaki si Andrea ‘no?” comment ng isang netizen.

Hindi naman ito pinalampas ni Mabel at talagang pinatulan ang makulit na nagkomento.

“Paano? Napagtapos niya sa school mga kapatid niya, nakapagpagawa ng bahay, may sariling negosyo. Ikaw, anong ambag mo sa mundo?” matapang na sagot ng ina ni Andrea.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes tumira noon sa squatters area: Bata pa lang naranasan ko na lahat…ang hirap kumita ng pera

At dahil nag-trending ang naging sagutan sa socmed, ito na rin ang naging topic ni Ogie sa kanyang YouTube video na “Showbiz Update.”

“Kasi nga sinasabi nila na dapat daw ang mga magulang ang nagpo-provide ‘nun sa mga anak at kung magkakaroon man ng ganun ang mga anak ay para sa kanila mismo at hindi para sa mga magulang,” sey ni Ogie.

Ani pa niya, “Jusko! Kailan pa naging krimen, kailan pa naging pangit o hindi maganda ‘yung pagtulong sa pamilya?”

Sumang-ayon naman sa kanya ang kanyang kasama na si Mama Loi, “Correct. Tsaka hindi lang si Andrea ang gumawa niyan, maraming artista.”

Depensa pa ni Ogie, “Nanay naman ni Andrea ‘yun. Kung meron man siyang pamilyang binubuhay, ano naman ang pakialam natin.”

“Siyempre kung nakagisnan mo na gusto mong tumanaw [ng utang na loob], gusto mong bumawi sa mga magulang mo, aba sino sila para pigilan ka? Mas ma-shock tayo kung ibang pamilya ang binubuhay ni Andrea at hindi ang sariling pamilya,” paliwang pa ng talent manager.

Sambit pa niya, “Sa mga panahon ngayon, nasa mga anak na ‘yan kung paano kayo makakatanaw [ng utang na loob] at makakaganti at makakabawi sa inyong parents.”

“Sa totoo lang, saludo ako kay Andrea…sa akin, very noble ‘yun,” saad pa ni Ogie.

Kasunod nito ay nagkaroon ng paglilinaw ang vlogger na hindi niya sinisiraan si Andrea.

“Iba naman ‘yung sa Elijah, iba naman ‘yung sa KathNiel. Iba ‘yun,” lahad niya.

Tugon pa ni Ogie, “Hindi naman namin jina-judge si Andrea. Nagkataon lang na may mga netizens na nagko-comment dito sa ating YouTube na pinag-iinitan daw natin si Andrea, sinisiraan daw natin si Andrea, winawasak daw natin si Andrea.”

“Lagi niyong tatandaan mga iha…ako ay naniniwala na walang pwedeng sumira sa’yo kundi ang sarili mo,” mensahe pa niya sa publiko.

Matagal nang umuugong ang mga balitang naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at maski nga si Ogie ay binatikos ng KathNiel fans dahil sa inilabas nitong balita kung saan nabanggit rin na patagong nagkikita sina Andrea at Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngunit noong November 30, tuluyan nang kinumpirma ni Kathryn na hiwalay na nga sila matapos ang kanilang 11 years na pagsasama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending