Ina ni Andrea Brillantes pumalag sa tanong kung paano niya pinalaki ang aktres

Ina ni Andrea Brillantes pumalag sa tanong kung paano niya pinalaki ang aktres

Therese Arceo |December 06,2023
facebook
share this

Ina ni Andrea Brillantes pumalag sa tanong kung paano niya pinalaki ang aktres

Therese Arceo - December 06, 2023 - 03:03 PM

Ina ni Andrea Brillantes pumalag sa tanong kung paano niya pinalaki ang aktres

Andrea Brillantes at Mabel Gorostiza

DIRETSAHANG sinagot ng ina ni Andrea Brillantes na si Mabel Gorostiza ang isang netizen na kumukuwestiyon sa kanyang pagpapalaki sa anak.

Nitong Linggo, December 3, nag-post siya ng larawan kasama ang kayang swimming coach kalakip ang makahulugang caption.

“⁣So much hatred in the net these days. We turned into [a] bunch of savages. Spread all that hate and lies, these negativity will not break my spirit,” saad ng ina ni Andrea.

Pagpapatuloy niya, “I am thankful for being alive, my kids and my mom being healthy. I’m surrounded by people with so much love and compassion. Hate is baggage, life is too short to be angry all the time.”

Chika pa ng ina ni Andrea, hindi man raw niy makuha ang nais niyang target goal ay ipagpaptuloy pa rin niya ang kanyang swimming competition.

“I may not be getting the numbers that I’m aiming but I shall compete again tomorrow, I will finish this competition, bahala kayo dyan lahat magkagulo,” sey niya.

Baka Bet Mo: After ng KathNiel breakup, Andrea damay din sa hiwalayang Miles-Elijah

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Ngunit sa kabila ng kanyang magandang mensahe ay isang netizen ang umintriga sa ina ni Andrea.

Tinanong pa nito kung papaano niya pinalaki ang bunsong anak.

“Papano mo kaya pinalaki si Andrea no?” comment ng isang netizen.

Hindi naman ito pinalagpas ni Mabel at talagang pinatulan ang makulit na netizen.

“Paano? Napagtapos niya sa school mga kapatid niya, nakapagpagawa ng bahay, may sariling negosyo. Ikaw, anong ambag mo sa mundo?” matapang na sagot ng ina ni Andrea.

Matatandaang kasalukuyang nadadawit ang pangalan ng aktres bilang sanhi umani ng hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Matagal na kasing umuugong ang mga balitang naghiwalay na ang dalawa at maski nga si Ogie Diaz ay binatikos ng KathNiel fans dahil sa inilabas nitong balita kung saan nabanggit rin na patagong nagkikita sina Andrea at Daniel.

Ngunit noong November 30, tuluyan nang kinumpirma ni Kathryn na hiwalay na nga sila matapos ang kanilang 11 years na pagsasama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya naman mas lalong umingay ang pangalan ni Andrea matapos patotohanan ng “A Very Good Girl” lead actress ang matagal nang bulung-bulungan ng madlng netizens.

Sa kabila nito ay nananatili pa ring tahimik si Andrea hinggil sa pagkakasangkot nito sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending