Andrea Brillantes sinisisi sa hiwalayan ng KathNiel

Andrea Brillantes sinisisi sa hiwalayan ng KathNiel

Therese Arceo |December 01,2023
facebook
share this

Andrea Brillantes sinisisi sa hiwalayan ng KathNiel

Therese Arceo - December 01, 2023 - 10:05 AM

Andrea Brillantes sinisisi sa hiwalayan ng KathNiel

Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Andrea Brillantes

GALIT na galit ang mga netizens lalo na ang fans ng KathNiel sa Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.

Nitong Huwebes, November 30, binasag na ni Kathryn ang kanyang katahimikan at tuluyan nang kinumpirma ang paghihiwalay nila ni Daniel Padilla matapos ang 11 taong pagsasama.

Kasabay nga ng pag-amin ni Kathryn ukol sa kanilang break up ay ang paninisi ng mga netizens lalung-lalo na ng mga fans ng KathNiel kay Andrea na itinuturo nilang dahilan ng pagtatapos ng relasyon nina Kath at DJ.

Sa katunayan, trending ngayon ang “Senior High” star sa X (dating Twitter) at inakusahang “mang-aagaw” ng karelasyon.

“Kathryn Bernardo unfollowing and knowing those rumors but stayed quiet about it and didn’t even defended Andrea Brillantes IS a f*ck*ng sign people. Stop saying Blythe is innocent when y’all know she isn’t,” saad ng isang netizen.

May ilan pang nagsasabing ang pananahimik ng Kapamilya actress sa kabila ng kanyang pagkakaugnay sa isyu ay isang senyales na umano’y totoo ang chika.

Comment naman ng isa, “AND we all known blythe for being madada sa every issue that she’s involved (franseth, ricci) and also her friends pero bakit tahimik sila ngayon? where they really need to speak up about themselves.”

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo kinumpirmang hiwalay na kay Daniel Padilla

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Hiling naman ng ibang netizens na magsalita na hinggil sa isyu sina Daniel at Andrea dahil hindi naman na raw obligasyon ni Kathryn ang depensahab pa ang mga ito.

“Sana magsalita na din sina DJ at Blythe sa issue nila not for anything pero para maclear ang names nila sa mga bashers. Andaming artista nagunfollow kay Blythe. Until now, si Blythe pa rin ang tinuturong dahilan ng mga tao sa social media. Kawawa naman kung hindi totoo, sey ng isang netizen.

Chika pa ng isa, “may third party man o wala HINDI RESPONSIBILITY ni kathryn i-clear name ni ate girl and also the fact kath and circle unfollowed andrea??? i think it’s daniel’s responsibility to speak…”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na pahayag o reaksyon ang kampo ng “Senior High” star maging si Daniel ukol sa kanilang pagkakaugnay.

Nananatili namang bukas ang BANDERA para sa panig, reaksyon, o pahayag ng kampo ni Andrea at Daniel hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending