KathNiel fans nagluluksa; KimXi, Richard-Sarah hinamon

KathNiel fans nagluluksa; Kim-Xian, Richard-Sarah hinamong umamin na rin

Ervin Santiago |December 01,2023
facebook
share this

KathNiel fans nagluluksa; Kim-Xian, Richard-Sarah hinamong umamin na rin

Ervin Santiago - December 01, 2023 - 09:26 AM

KathNiel fans nagluluksa; Kim-Xian, Richard-Sarah hinamong umamin na rin

Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Sarah Lahbati, Richard Gutierrez, Xian Lim at Kim Chiu

PAGKATAPOS aminin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hiwalay na sila, hinamon naman ang dalawa pang celebrity couples na magsalita na rin tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Wasak ang puso ng mga kapamilya, kaibigan at supporters nina Kath at DJ dahil sa ginawang pag-amin ng dating magdyowa na totoong break na sila.

Naging “national issue” pa nga ito dahil kahit ang mga politiko at ilang kilalang personalidad ay nag-react din sa breakup nina Kathryn at Daniel matapos ang 11 years nilang relasyon.

Pahayag ni Kathryn, “I know what many of you are thinking right now. I’m well aware of the rumors and speculations going around, and as hard as it is to put everything into words, I want you to hear it straight from me: It’s true that Deej and I have decided to part ways.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“What Deej and I had was real. It was never for show. We were together not because of the cameras, not because of the fans, not because of the money that comes with a successful love team.

“We were genuinely in love. We grew up together, dreamed together, and saw many of those dreams become a reality—still together,” mensahe pa ng Box-OfficeQueen.

“That’s almost half of my life that I would never regret and would never trade for anything in the world. These are 11 years that brought me joy, adventure, and the feeling of being home,” ani Kathryn.

Bahagi naman ng pahayag ni Daniel, “Ang mga alaala natin ay lagi kong baon sa aking puso at magiging liwanag sa mga madidilim kong araw.

Baka Bet Mo: Rendon Labador hinamon ng suntukan si Ion Perez: ‘Oo, gusto kita! Gusto kong basagin yang pagmumukha mo!’

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows. Our lives may drift aways, but our love will still ride that tide,” dagdag ni DJ.

At sa gitna nga ng pagluluksa ng KathNiel fans, hinamon naman ng netizens ang mga magdyowang Kim Chiu at Xian Lim pati na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na magsalita na rin tungkol sa umano’y kanila ring paghihiwalay.

Kalat na kalat na rin kasi ngayon ang chika na matagal nang break ang KimXi at sina Sarah at Richard pero hanggang ngayon ay wala pa ring denial o confirmation na nanggagaling sa kanila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kamakaikan ay tila nagpahiwatig na si Kim sa real score sa kanila ni Xian kung saan nakiusap siya na ibalato na lang muna sa kanila ng aktor ang kanilang privacy.

Sa isang panayam, nakiusap ang dalaga na ibalato na muna sa kanila ni Xian ang tungkol sa balitang nagkanya-kanya na sila ng landas makalipas ang mahigit isang dekadang relasyon.

“Grabe, sa amin na lang ‘yun, we’ll just keep it to ourselves na muna,” ang pahayag ng Kapamilya star.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza ‘nainggit’ sa Miss Grand Philippines contestants, hinamon si David Licauco: Ako kaya, kelan mo kakantahan?

Bago ito, dinenay ni Kim na naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend matapos mapansin ng mga netizens na napakatagal na nilang hindi nagpo-post ni Xian ng pictures nila together sa socmed.

Sabi naman ni Xian sa isang Instagram post, “Plenty of hearsay happening right now and I would like to ask everyone to be mindful of what you chose to believe in deceiving headlines and other information used to just pretend to know the whole story for personal gain and traction.

“I ask to be mindful of what you share. Leave my family and friends out of this insignificant issue compared to what is happening in the world, our country, or even deep within ourselves.

“I am in the entertainment industry but I am not here to entertain. I am here to express, l am here to breathe life to the characters I play. I am here to tell you a story in whatever shape or form it may be,” aniya pa.

Samantala, nananatili namang tahimik at dedma sina Richard at Sarah sa mga chikang hiwalay na rin sila dahil nga hindi na raw nagpo-post ang mag-asawa ng mga photos nila together.

Kaya naman ang challenge sa kanila ng netizens, magsalita na sa publiko at matapang na aminin kung anuman ang totoo tulad ng ginawa nina Kath at DJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero pagtatanggol naman ng mga supporters ng mag-asawa, walang karapatan ang mga tao na diktahan sila kung aamin o hindi dahil personal na buhay na nila yan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending