Richard Gutierrez suot pa rin ang wedding ring nila ni Sarah Lahbati, hinamon ng netizens na mag-post ng pictures together | Bandera

Richard Gutierrez suot pa rin ang wedding ring nila ni Sarah Lahbati, hinamon ng netizens na mag-post ng pictures together

Ervin Santiago |November 21,2023
facebook
share this

Richard Gutierrez suot pa rin ang wedding ring nila ni Sarah Lahbati, hinamon ng netizens na mag-post ng pictures together

Ervin Santiago - November 21, 2023 - 07:36 AM

Richard Gutierrez suot pa rin ang wedding ring nila ni Sarah Lahbati, may hugot tungkol sa 'pagmu-move forward'

Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

KAHIT saan kami magpunta, ang palaging tanong sa amin ay kung totoong hiwalay na nga sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo at ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Ilang araw nang pinag-uusapan ng mga Marites all over the universe ang umano’y breakup ng dalawang celebrity couple pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang mga taong involved sa issue.

Ayon sa isang source na nakausap namin, walang katotohanan ang chika na naghiwalay sina Kath at DJ. Posibleng may pinagdaraanan ngayon ang dalawang Kapamilya stars pero hindi raw ito nauwi sa breakup.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Marami ang nanghihinayang sa KathNiel kung totoo ngang tuluyan nang nasira ang kanilang relasyon na sinasabing

Samantala, kamakailan naman ay may makahulugang post sa Instagram si Richard sa gitna ng pang-iintriga sa married life nila ni Sarah.

Nag-post ang Kapamilya actor sa IG  mga pictures kung saan makikita ang  kanyang gym fit body na may caption tungkol sa self-improvement at pagmu-move forward.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?

“Get up, change of perspective, move forward… And let the Most High take the wheel. Your attitude determines your altitude,” ang inilagay ng aktor sa caption.

Maraming nagsabi na baka ito na ang sagot ni Richard sa chikang hiwalay na sila ni Sarah pero iba-iba ang interpretasyon nila kung ano ang nais iparating ng aktor sa publiko.

May mga nagkomento na ang “move forward” na binanggit ni Richard ay ang pagmu-move on sa breakup nila ng kanyang asawang si Sarah.

Ngunit sey naman ng ilang fans, patunay na wala pang hiwalayang nagaganap sa pagitan ng celebrity couple dahil suot pa rin ng aktor ang kanyang wedding ring base na rin sa ipinost niyang mga litrato.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ilang netizens naman ang naghamon kina Sarah at Richard na mag-post ng mga bago nilang pictures together bilang resibo na magkasama pa rin sila bilang mag-asawa.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez mas bet nga bang mag-focus si Sarah Lahbati sa kanilang anak kaysa magbalik trabaho, true kaya?

“We dont need you shirtless we need sarah.”

“We missed your posts with @sarahlahbati.”

“Sarah & Richard forever. nainspire ako lagi sainyo.”

“There is POWER in LOVE!! I KNOW MAGKAKABALIKAN KAYO NI SARAH”

“Wedding ring.”

Until now ay wala pang reaksyon sina Sarah at Richard hinggil sa kontrobersya at kahit ang kanilang mga kapamilya at malalapit na kaibigan ay ayaw ding magsalita kung totoong hiwalay na ang mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May mga tsismis namang naglabasan na nagli-link sa Kapuso actress at “Abot Kamay na Pangarap” star na si Kazel Kinouchi kay Richard matapos silang makitang magkasama sa isang party last Halloween.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending