Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na? Bandera

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?

Therese Arceo |November 02,2023
share this

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?

Therese Arceo - November 02, 2023 - 02:00 PM

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati trending sa socmed, true bang hiwalay na?
USAP-USAPAN ngayon ng madlang pipol kung ano na nga ba ang estado ng relasyon ng mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

May mga netizens kasi ang nakapansin na tila hindo na nagpo-post ang dalawa ng mga larawang magkasama.

Sa Instagram post ni Richard kung saan makikitang nagtatampisaw silang mag-aama sa swimming pool ay wala ang asawa.

Samantala, sa IG post naman ni Sarah kasama ang mga anak ay missing naman ang Kapamilya actor.

Kaya naman marami sa mga netizens ang nagtatanong sa comment section ng posts nina Sarah at Richard kung bakit hindi sila kumpletong pamilya sa mga ibinabahagi nilang larawan.

“Ms. Sarah i wonder lang po bat wala na kayo pictures or videos ng husband nio po together with your kids? Pati nung bday nio po wala din cya ® i like your family sana okay lang po kayo. Thanks,” comment ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Richard Gutierrez binansagang James Bond ng Pinas dahil sa ‘The Iron Heart’: ‘I can consider this as my best action project!’

 

Saad naman ng isa, “Why no pic with Richard?”

Sey naman ng isa, “Where is Sarah? Been following you both pero antagal na wala kayong recent pics together kahit nung bday niya. Are you two okay? Huhu.”

May ilan ring nakapansin na hindi kasama ni Richard si Sarah sa naganap na Opulence Ball.

Base naman sa Instagram story ni Sarah ay umalis siya kasama ang mga anak na sina Zion at Kai.

Wala pa namang inilalabas na pahayag sina Richard at Sarah ukol sa chikang kumakalat.

Ang huling post ng dalawa na magkasama ay noong um-attend silang dalawa sa kasal nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Bali, Indonesia.

Bukas naman ang Bandera para sa panig ng mag-asawa hinggil sa isyung ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sarah Lahbati ipinasilip ang hubad na katawan ni Richard Gutierrez, sabay hirit ng, ‘What’s for dinner?’

JM de Guzman hindi nagpatalbog sa pagiging action star kay Richard Gutierrez, madlang pipol may request sa ABS-CBN

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending