Richard Gutierrez binansagang James Bond ng Pinas dahil sa ‘The Iron Heart’: ‘I can consider this as my best action project!’
IBINANDERA ni Richard Gutierrez sa buong universe na ang “The Iron Heart” ang pinakamagandang action-drama series na nagawa niya so far.
Marami na siyang pinagbidahang teleserye sa telebisyon mula nang pumasok siya sa showbiz pero ang “The Iron Heart” ang kino-consider niyang “the best.”
Sa naganap na finale mediacon ng naturang Kapamilya series last Thursday, proud na proud na sinabi ni Richard na hinding-hindi raw niya makakalimutan ang lahat ng challenges na hinarap niya sa dalawang season ng programa.
Ayon sa husband ni Sarah Lahbati, kailangang abangan ng manonood ang huling dalawang linggo ng “The Iron Heart” dahil sunud-sunod na ang ihahandog nilang pasabog hanggang sa ending.
“I can consider this as my best action project. Through the years, ‘yung mga past action series ko built me up to where I am now and to know what I know,” pahayag ni Richard.
Aniya pa, “Lahat ‘yun siyempre ‘di ko makakalimutan, lahat ng action projects ko. It prepared me to be where I am now. Nag-culminate lahat ng experiences ko so far dito sa ‘Iron Heart’ in terms of creating an action and telling a story through action.”
Baka Bet Mo: ‘The Iron Heart’ ni Richard Gutierrez bongga ang magiging finale, kukunan nga ba sa Italy?
Siyempre, hindi rin nakalikutang pasalamatan ng aktor ang kanyang co-stars at ang buong production, lalo na ang mga writers at directors na talagang kinarir nang bonggang-bongga ang bawat eksena mula simula hanggang sa pagtatapos ng serye.
View this post on Instagram
Feeling thankful and grateful din si Richard dahil sa pagkukumpara sa kanya sa iconic Hollywood character na si James Bond.
“Siyempre nakakatuwa nako-compare tayo sa international pero ang objective namin talaga dito is to tell our own story and create a different flavor of action for Filipinos all over the world, to show we can be proud of, na kaya rin ng Pinoy gumawa ng ganitong klase.
“We were pressed for time. Ang daming challenges but yet binigay namin ‘yung best namin,” sey pa ni Richard.
At tungkol naman sa request ng mga fans na sana’y magkaroon pa ng season 3 ang “TIH”, natutuwa siya na may clamor para sa pagpapatuloy ng programa, “Even ‘yung mga characters, marami pang pwedeng puntahan. We’ll see if it’s feasible to do. But definitely, we will take a break.”
“Exhausting physically, mentally, we don’t want the show to suffer. Ayaw namin hintayin na ‘yung mga audience natin gusto na matapos ‘yung show. Gusto namin tatapusin namin ‘yung show while everybody is happy pa sa show. Nag-decide kami to end strong,” aniya pa.
Tutukan at huwag nang bibitiw sa nalalapit na pagtatapos ng “The Iron Heart” mula sa direksyon nina Richard Arellano at Lester Pimentel Ong, Lunes hanggang Biyernes sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, at iWantTFC.
Bakit nga ba tinanggap ni Dimples Romana ang role sa ‘Iron Heart’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.