JM de Guzman hindi nagpatalbog sa pagiging action star kay Richard Gutierrez, madlang pipol may request sa ABS-CBN | Bandera

JM de Guzman hindi nagpatalbog sa pagiging action star kay Richard Gutierrez, madlang pipol may request sa ABS-CBN

Alex Brosas |August 10,2023
facebook
share this

JM de Guzman hindi nagpatalbog sa pagiging action star kay Richard Gutierrez, madlang pipol may request sa ABS-CBN

Alex Brosas - August 10, 2023 - 07:50 AM

JM de Guzman hindi nagpatalbog sa pagiging action star kay Richard Gutierrez, madlang pipol may request sa ABS-CBN

JM de Guzman at Richard Gutierrez

TALAGANG nakakapit ang televiewers sa “The Iron Heart” lalo na ngayon na umaatikabong aksyon ang napapanood.

Nag-post si Richard Gutierrez ng ilang mga eksena sa “The Iron Heart” with this caption, “Salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa The Iron Heart! #TheIronHeart @starcreativestv @abscbn.”

Sa napanood naming eksena, umaatikabong sagupaan ang nangyari between Richard’s Apollo character and JM de Guzman’s Bro. Joseph character.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)


Sinugod kasi ni Apollo si Dr.Joseph sa kuta nito kaya naman matinding sagupaan ang nangyari.

Walang-patid na barilan at suntukan ang nangyari lalo na noong nagsagupa na sina Apollo at Bro. Joseph.

Sa sobrang tuwa ng IG followers ni Richard, winish nilang magkaroon pa ng Book Three ang “The Iron Heart”. Gusto pa nila itong ma-extend sa telebisyon.

Baka Bet Mo: JM de Guzman nabaliw dahil sa babae, sinaktan ang sarili: ‘Matindi akong magmahal, kaya nu’ng nawala siya… sobrang sakit’

“Sa lahat ng nagawa action series nang @abscbn THEIRONHEART ang pinaka astig pang HOLLYWOOD ang datingan ang galing.nang mga cast bagay na bagay kay @richardgutz ang series nato pang JAMESBOND ang dating. Please ABSCBN whag nyo po muna tapusin ang THEIRONHEART abangan namin ang season3. ito ang inaabangan namin araw-araw. salute talaga ako sa director nang THEIRONHEART ang galling.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)


“Sana maghaba pa ang teleserye na ito inaabanagan talaga namin ito dito sa Oman, parang di kompleto ang gabi namin pag di kame nakakapanuod nito, ang gagaling ng cast sa pagsusuntok ni Apollo ung kasama ko nadadali nasusunotk ako. kaya kapag nanunuod kame nito lalayu na ako sa knya.”

“One of ur best action teleserye, sna ms dumami p ang gnito mong serye wlng umay, mgnd ung stry plus action xa. Smooth ung pgkka gwa nio NG director plus c Jake Cuenca ang gling nio.”

“Ang ganda ng The Iron Heart. Yung dating kalaban niya ay nagiging kakampi na ni Apollo. Ang dating kakampi nya na CIB esp Eros, ay kalaban na nya. Galing ng teleserye na’to . Action-packed. Congrats @richardgutz and the whole cast and production team @starcreativestv @abscbn.”

“Omg, i really love the action and drama, di nakakasawa, ang napakagaling mo dito @richardgutz.”

Aiko, Beauty, Thea, Angel umaatikabong bardagulan sa ‘The Flower Sisters’; patalbugan din sa lafangan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ruru sa totohanang action scenes nila ni Paul sa Lolong: Maraming beses po talagang nagkasakitan kami

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending