JM de Guzman pang-best actor ang kaangasan bilang kontrabida; fans abangers sa acting collab nila ni Donnalyn Bartolome | Bandera

JM de Guzman pang-best actor ang kaangasan bilang kontrabida; fans abangers sa acting collab nila ni Donnalyn Bartolome

Alex Brosas |July 30,2023
facebook
share this

JM de Guzman pang-best actor ang kaangasan bilang kontrabida; fans abangers sa acting collab nila ni Donnalyn Bartolome

Alex Brosas - July 30, 2023 - 06:26 AM

JM de Guzman pang-best actor ang kaangasan bilang kontrabida; fans abangers sa acting collab nila ni Donnalyn Bartolome

JM de Guzman

BAGAMA’T kontrabida ang role ni JM de Guzman nilang si Bro. Joseph sa “The Iron Heart” ay puring-puri siya ng netizens.

Sa kanyang latest Instagram video kung saan sinakal niya ang isa sa kanyang disipulo na babae, hangang-hanga ang supporters ng show sa galing magbitaw ng salita ni JM, punung-puno kasi ito ng emosyon.

Ang daming natuwa sa post na iyon ni JM.

“Kahit kontrabida role ka jan sa the iron heart ang ganda ng role mo idol. Pang Best Actor tlaga.”

“Thanks lodii, btw ang galing mo jan. kahit san ka man ilagay sobrang galing napakahusay.”

“Ang galing2x mo nman lodi jm lng malakas best actor galing mo! Sana colab kayo ulit n donalyn b. Bagay talaga kayo Sana magka love team kayo ni dona.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)


“Waiting sa mas nakaka intense na part ni brother.”

“Ang scary mo jan founder.. masyadong ginalingan.”

“Iba talagang gumanap ang isang JM De Guzman, maa-amaze ka talaga.”

Sa post naman ni Richard Gutierrez sa IG account niya, ipinakita niya ang bakbakan nila ni JM sa dagat.

Talagang intense ang mga eksena dahil naghahabulan sila ni JM using jet skis.

Anyway, kabilang sa mga bagong cast members ng “The Iron Heart” sina Carmen Soo, Fabio Ide, Richard Quan, Ruby Ruiz, Igi Boy Flores, Anna Luna, Ruben Soriquez, Krystal Brimner, Cris Villanueva and Alex Medina.

* * *

Bigla lang namin naalala na instrumental kami sa split up ng “It’s Showtime” host na si  Amy Perez sa kanyang husband noon na si Brix Ferraris.

Baka Bet Mo: JM sa fans: I apologize kung medyo shaky ako, nagkakamali ako minsan at wala akong excuses doon…

Kami kasi ang naka-scoop na mayroong ibang babae si Briz na nagtatrabaho sa Sony Music na kanyang kinabibilangan bilang vocalist ng isang banda.

Isinulat namin noon ‘yon sa Mr. & Ms. Magazine kung saan meron kaming once-a-week column. It’s a three part series.

Noong mabasa iyon ni Amy, tumawag pa siya sa aming editor noon na si Jay Cunanan Canlas. Akala niya kasi ay doon kami nag-o-office.

Anyway, after our revelation, tinawagan ng Sony publicist ang aming editor  na si Jay para imbitahin kami sa presscon nila. Nakaaway kasi ni Brix ang kanyang tibong road manager.

When Jay called us, we told her na a-attend kami sa presscon pero dapat on our term. Either ipainterbyu nila sa amin ang road manager before the presscon or after the presscon, basta solo kaming mag-i-interview.

Pinagbigyan naman ang aming request.  When we came sa Sony office, we were told to wait sa room ng isang executive.  We asked the executive to show us around at pinagbigyan naman kami. When we saw the desk of Brix’s other woman, we asked kung bakit walang tao. Naka-leave daw.

Na-sense ng Sony executive na gusto naming makita nang personal ang sinasabing other woman ng ex-hsuband ni Amy.

JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending