JM de Guzman nasubukan nang lumaban sa MMA; handang-handa na sa mga buwis-buhay scenes sa ‘The Iron Heart’
ANG paniwala ni JM de Guzman ay makakatulong nang malaki ang pagkakaroon niya ng background in mixed martial arts sa kanyang character “The Iron Heart”.
Being introduced in the show as Bro. Joseph, a religious leader who believes he has a close connection to the Lord, magkakaroon ng action scenes si JM sa series na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.
“To be honest, meron na akong nabasa na gagawing difficult action scenes. Siguro may konti kang advantage kapag nag-MMA ka. I used to train sa MMA.
View this post on Instagram
“I fought before when I was in college. Sobrang hirap niya. It requires mental focus, physical and emotional din. Sa tingin ko, makakatulong nang malaki sa fight scenes,” say niya during the zoom conference for the series.
Inamin ni JM na mahirap ang gumawa ng fight scenes. Sabi nga niya, na-injure na siya in the past. Ang tanging kailangan lang aniya when doing these scenes ay ang proper training in executing fight scenes.
Baka Bet Mo: JM de Guzman umaming ‘naaadik’ ngayon sa isang female celebrity…si Donnalyn Bartolome ba yarn!?
“Siguro alam ko kasi na intense ang action scenes ng The Iron Heart. Dahan-dahan na rin akong nagpe-prepare physically like running, stretching para maiwasan ang injury,” he said.
Actually, hangang-hanga si JM sa sobrang galing ng execution ng action scenes sa “The Iron Heart”.
View this post on Instagram
“What I love the most about the series is ‘yung unpredictability ng series. It’s intense. Paano nagagawa iyon nang ganoon kabilis, ‘yung execution ng action scenes, ‘yung drama. Parang sobrang galing,” he added.
So, anong preparation ang ginawa ni JM para sa kanyang role? “More on reading the script. Understanding the back story of the character. Kinausap ako kung bakit siya ganyan, saan siya pupunta.
“Wala akong problema kasi sobrang supportive ng director namin bago kami isalang. They make sure na naiintidihan naming ang character, ‘yung nuances ng character, kung paano magsalita, kung paano gumalaw.
“Hinihimay lang nang mabuti. Ang kailangan ko lang gawin is makinig and listen to my director,” say niya.
JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.