JM de Guzman umaming 'naaadik' ngayon sa isang female celebrity...si Donnalyn Bartolome ba yarn!? | Bandera

JM de Guzman umaming ‘naaadik’ ngayon sa isang female celebrity…si Donnalyn Bartolome ba yarn!?

Ervin Santiago - April 12, 2023 - 04:10 PM

JM de Guzman umaming 'naaadik' ngayon sa isang female celebrity...si Donnalyn Bartolome ba yarn!?

Donnalyn Bartolome, JM de Guzman at Cindy Miranda

“HINDI pa po ako taken pero may kinaaadikan ako!” Yan ang ginawang pag-amin ng Kapamilya actor na si JM De Guzman nang matanong tungkol sa kanyang lovelife.

Ayon sa binata, may isang babaeng taga-showbiz siyang nililigawan ngayon at isang taon na raw niya itong sinusuyo pero hindi pa rin daw siya sumusuko.

Nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang piling miyembro ng entertainment press si JM sa mediacon ng bago niyang pelikula sa Viva Films, ang “Adik Sa ‘Yo” kasama ang aktres at former beauty queen na si Cindy Miranda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Inamin ng magaling na aktor na in love raw siya ngayon sa isang showbiz personality pero nang tanungin kung sino ito, “Secret!” sabay ngiti nang pagkatamis-tamis.

Nang banggitin kung vlogger ba ito, natawa si JM at medyo namula.

Sa question namin kung todo pa rin siya kung magmahal at handang ibigay ang lahat-lahat, “Siyempre may tira na rin sa sarili kasi dati talagang wala, e. Pero ngayon pinapagana na rin yung utak. Puso na may kasama nang utak at kinakaya naman.”

Bakit siya naaadik sa bago niyang love? “Tinuturuan niya ako kung paano magmahal nang maayos. Sobrang inspiring siya na tao.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa pagkakaalam namin, may isang vlogger na nali-link kay JM, yan ay walang iba kundi si Donnalyn Bartolome. At ilang beses na rin niyang inamin na may feelings talaga siya sa actress at content creator.

Paano niya ire-rate ang nararamdaman niyang kaligayahan ngayon from the scale of 1 to 10? “10!” ang mabilis na sagot ni JM. Ibig sabihin perfect na perfect talaga ang happiness niya.

Samantala, inamin ng aktor na nagdalawang-isip siya kung tatanggapin ang pelikulang “Adik Sa ‘Yo” dahil alam naman ng lahat na pinagdaanan din niya  ito sa totoong buhay.

Siguradong babalik sa kanyang isip ang lahat ng nangyari sa kanya noong nakikipaglaban siya sa ipinagbabawal na gamot.

Pero sey ni JM, okay lang sa kanya ang bumalik sa madilim na bahaging iyon ng kanyang buhay dahil tapos na naman ito at nagtuluy-tuloy na ang kanyang pagbabago.

Ang maadik sa kahit anong bagay ay hindi magandang gawain. Malulong sa droga, sa materyal na bagay, bisyo o pera man – kapag sobra na, nakakasama na. Pero kung meron pang mas malala pa sa pagka-adik sa isang bagay, ito ay ang maadik sa isang tao.

Baka Bet Mo: JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

Ang mahulog nang sobra sa isang tao ay bibigyan ka ng kaligayahan na hindi mabibigay ng kahit anong droga o materyal na bagay, pero kaya rin nitong wasakin ang pagkatao mo higit pa sa pagsirang kayang gawin ng masamang bisyo.

Diyan iikot ang pelikula nina JM at Cindy Miranda na “Adik Sa ‘Yo”, alamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pag-ibig at kung bakit ito nakakaadik.

Kilalanin si Paulo (JM), isang drug addict na labas-masok sa rehab. Kilalanin din si Joy (Cindy), adik naman kay Paulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Matagal nang magbestfriends ang dalawa, at matagal na ring may tinatagong feelings si Joy para kay Paulo, at lahat gagawin nito basta para sa kanya. In short, marupok si Joy pagdating kay Paulo.

Sa muling pagsubok ni Paulo na ayusin ang buhay niya, kagaya ng dati ay andyan lang lagi si Joy, handang tumulong sa kahit anong paraan.

Mapansin na kaya ni Paulo ang feelings ni Joy at suklian ang nararamdaman nito? At ngayon ay mas piliin na lang na maadik sa pagmamahal ng kanyang best friend?

O panahon na ba para isuko ni Joy ang nararamdaman para kay Paulo? At makita na mas marami pang bagay ang pwede niyang pagtuunan ng pansin kesa ubusin ang oras sa kaibigan?

Isa itong romance movie mula sa direksyon ng Gawad Urian at FAMAS nominated director na si Nuel Naval, na kilala sa paggawa ng mga pelikulang tatagos sa puso kagaya ng “More Than Blue” at ng Philippine adaptation ng “Miracle in Cell No. 7.”

Makakasama rin sa movie sina Meg Imperial, Nicole Omillo, Andrew Muhlach at Candy Pangilinan. Mula sa Viva Films, panoorin ang “Adik Sa ‘Yo” in cinemas nationwide ngayong April 19.

JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending