JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya Bandera

JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

Therese Arceo |October 05,2022
share this

JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

Therese Arceo - October 05, 2022 - 02:10 PM

JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya
HINDI makapaniwalaang aktor na si JM de Guzman sa naging birthday surprise sa kanya ng singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.

Last month pa nang i-celebrate ng aktor ang kanyang birthday pero ngayong Oktubre lang nang ibahagi niya ang ilan sa mga litrato na kuha sa kanyang naging selebrasyon.

Sa kanyang social media post ay ibinandera ni JM ang mga larawan niya kasama ang mga surprise sa kanya ni Donnalyn.

“Ako ay lubos na nagalalak sa mga dumayo sa aking kaarawan. salamat sa bumati at babati palang,” panumula ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)

Kwento ni JM, hindi niya inakala na makikita niya nang personal at live na mag-perform ang kanyang mga iniidolo na sina Loonie, Smugglaz, Shehyee, Anygma at Boss Bullet na isang sikat na boxing coach.

Dagdag pa niya, “Kayo ang mga inspirasyon ko at hanga ako sa inyong mga talento.”

Hindi naman niya nakalimutang pasalamatan ang may pakana ng surprise performance ng kanyang mga idolo sa birthday celebration niya.

“Mat ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. hindi pa ako nasorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya,” pagpapasalamat ni JM kay Donnalyn.

Pagpapatuloy niya, “Napakabuti mong tao. sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo.”

Si Donnalyn rin ang may pakulo ng birthday party ni JM last month.

Ayon sa IG post ng dalaga last month, ito ay bilang pagpapakita ng pagmamahal sa aktor na nagbigay suporta sa kanya sa kanyang music video para sa bagong release niyang kanta na “Shawty”.

“I can’t tell you how thankful I am for your support man, so I tried and showed you just how much!” mensahe ni Donna para kay JM.

Nilinaw naman ng dalaga na wala silang relasyon ng aktor at talagang malapit lang silang magkaibigan.

Related Chika:
JM de Guzman 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa

JM inalala ang naging laban kontra droga: I don’t want to be that person anymore…

JM de Guzman, third party nga ba sa hiwalayang Aljur at Kylie?

JM sa fans: I apologize kung medyo shaky ako, nagkakamali ako minsan at wala akong excuses doon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending