JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa Bandera

JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa

Ervin Santiago |April 16,2021
share this

JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa

Ervin Santiago April 16, 2021 - 10:40 AM

LIMANG taon nang walang karelasyon ngayon ang Kapamilya actor na si JM de Guzman at mukhang mananatili pa siyang single sa loob ng mahabang panahon.

Aminado ang binata na kung siya ang masusunod ay gusto na rin niyang magkaroon ng lovelife pero may mga bagay na pumipigil sa kanya na huwag munang pumasok sa bagong relasyon.

Sa pakikipagchikahan ni JM kay Boy Abunda, inamin niya na matindi ang naging epekto sa kanya ng dalawang beses na pagkabigo sa pag-ibig noon na naging sanhi ng kanyang depresyon.

“Twice (na-brokenhearted). ‘Yung talagang depression and naparalisa ako. Kasi I’m too dependent. Kailangan ko kasing ma-supplement sa void na meron ako.

“Like dependent ako sa mga bagay o tao na ito. Tapos kapag nawawala sila, nandu’n pa rin ang void. So if I’m not doing something about this void, it will just be a cycle. So I need to do something about it,” paliwanag ni JM.

Napakalaki ng pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil kahit na may mga nagawa siyang sablay sa personal niyang buhay ay pinagkatiwalaan pa rin siya at binigyan ng magagandang proyekto.

“Doing the things that I love the best way that I can. Being grateful, counting my blessings para hindi ako ma-stuck sa mga memories na ‘yun. Kinakausap ko ‘yung sarili ko, ‘Andito pa ‘yung pangarap mo, abot-kamay mo pa. Pwede pa, dito ka mag-focus,’” pahayag ng binata.

Kuwento pa niya, apat ang naging girlfriend niya sa showbiz pero dalawa lamang sa mga ito ang talagang magdulot ng matinding sakit sa kanyang puso at pagkatao.

“’Yung dalawa kasi na ‘yun ‘yung naramdaman ko sa kaluluwa ko ‘yung love eh,” pag-amin pa ni JM.

Five years na siyang single ngayon pero mas pinipili pa rin niya ang huwag munang pumasok sa bago at seryosong relasyon.

“Gusto kong pahalagahan muna itong ibinigay sa akin at maging okay na tao, maging better than yesterday and in my mind na pangarap kong bahay, before I get into a commitment, naka-ready na para du’n,” chika ng isa sa mga lead star ng bagong sexy-drama Kapamilya series na “Init Sa Magdamag” with Gerald Anderson and Yam Concepcion.

Hindi naman daw niya masasabing na-trauma na siya sa babae at pakikipagrelasyon muli, “Takot, oo. Pero hindi ko made-deny sa sarili ko na gusto ko na rin. Gusto ko na mag-commit, gusto ko ng relasyon.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending