Yam Concepcion nanganak na sa 1st baby nila ni Miguel CuUnjieng
IBINANDERA ng Kapamilya actress na si Yam Concepcion sa buong universe na isa na siya ngayong ganap na ina.
Sa pamamagitan ng isang video na ibinahagi niya sa Instagram, masayang ibinalita ni Yam na isinilang na niya ang panganay nila ng asawang si Miguel CuUnjieng.
Mapapanood sa naturang IG reel ang compilation ng mga mahahalagang kaganapan sa nine-month journey ng aktres at ng kanyang asawa sa pagiging first-time parents.
“The best 9 months (red heart emoji),” ang maikling caption ni Yam sa kanyang Instagram post.
Sa simulang bahagi ng video clip ay mapapanood ang sweet moments ng mag-asawa mula nang malaman nilang magiging mommy at daddy na sila
Baka Bet Mo: Yam Concepcion matagal nang engaged sa non-showbiz BF; sa US magpapakasal at titira
Sa ilang litrato makikita si Miguel na hinahalikan at hinahaplos ang lumolobong tiyan ni Yam. Nasa video rin ang ibinigay na love letter ni Miguel para sa una nilang Mother’s Day celebration.
“I cannot wait to be with you ASAP, but for now, please enjoy this mini surprise. This is such a special time for us and it’s all thanks to you.
View this post on Instagram
“You make my dreams come true each day, and I want to wish you a very special and magical Mother’s Day my love,” ang bahagi ng letter ni Miguel sa kanyang asawa.
Sa bandang huling bahagi naman ng video makikita si Yam na nakahiga sa hospital bed habang nagtutulak si Miguel ng hospital bassinet with their newborn.
Bago magtapos ang video, ipinakita rin ang mag-asawa na may dalang baby carrier at baby blanket na regalo naman ng kanilang kaibigan.
Bumaha ng pagbati sa comments section ng IG post ni Yam kabilang na ang mga kasamahan niya sa showbiz industry.
“Congratulations!!! So happy for you!!!! (3 red heart emojis),” pagbati ni Iza Calzado.
“Congratulations daddy and mommy!!!” komento ni Cherry Pie Picache.
“Arriving just in time for the holidays!! congrats!!” sabi ng isa nilang kaibigan.
Ikinasal sina Yam at Miguel noong July, 2021 sa pamamagutan ng isang intimate ceremony sa Amerika. Pagsapit ng July 2024, ibinandera na nga nila na magiging mommy at daddy na sila.
Post ni Yam sa social media while showing her baby bump sa isang photo, “Stingrays, turtles, pigs and a bump.”
“Just when I thought my mom-in-law couldn’t get any more amazing, she (threw) the sweetest and most thoughtful baby shower for us,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.