JM sa fans: I apologize kung medyo shaky ako, nagkakamali ako minsan at wala akong excuses doon... Bandera

JM sa fans: I apologize kung medyo shaky ako, nagkakamali ako minsan at wala akong excuses doon…

Ervin Santiago |June 23,2022
share this

JM sa fans: I apologize kung medyo shaky ako, nagkakamali ako minsan at wala akong excuses doon…

Ervin Santiago June 23, 2022 - 03:28 PM

JM de Guzman

NAG-SORRY ang Kapamilya actor at singer na si JM de Guzman sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Aminado ang binatang aktor na marami siyang nagawang sablay at pagkakamali nitong mga nagdaang taon pero until now ay tanggap na tanggap pa rin siy ng kanyang mga tagasuporta.

Ito raw ang dahilan kung bakit patuloy siyang lumalaban sa mga challenges na dumarating sa buhay niya, talagang pinagbubuti pa niya ang sarili lalo na ang kanyang trabaho.

At kung may isang sikat na celebrity na humahanga rin sa husay ni JM bilang aktor at alagad ng sining, yan ay walang iba kundi ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos.

Sa episode ng “Magandang Buhay” kaninang umaga, pinuri ni Juday (guest co-host) si JM nang bonggang-bongga at kitang-kita sa reaksyon ng binata ang pagkakilig pero halatang hiyang-hiya rin.

Sabi ni JM, “Iba po talaga (ang feeling). Parang gusto ko na pong umarte ulit, ngayon na. Sobrang inspiring.” Nangangarap din daw siya na makatrabaho in the future ang misis ni Ryan Agoncillo.

Sabi ni Juday, “Walang halong bola, alam mo kapag ang artista kapag dama niya sa puso niya ‘yung ginagawa niya.

“Marami ka namang makikita na in-acting at itinawid lang. Ito (sabay turo kay JM) simula pa lang ng karera niya, hindi ko man siya nasubaybayan, may mga napapanood ako sa kanya, nakukuha niya ako sa isa, dalawang eksena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JM De Guzman (@1migueldeguzman)


“Kaya natutuwa ako na you are finally back and I do really hope that you are back for good,” papuri pa ni Juday sa aktor.

Sumunod namang tanong ng aktres at TV host, kung napatawad na ba ni JM ang kanyang sarili sa lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay na naglagay pa sa kanya sa peligro.

“Opo naman pero ‘yun ang mahirap na process na kailangan kong gawin,” tugon ng aktor.

Sa huli, hiningan ni Juday si JM ng mensahe para sa kanyang mga loyal supporters na kahit ano pa ang mangyari ay hindi siya iiiwan.

“Una kong gusto kong sabihin sa fans ko at sa mga naniniwala sa akin na I apologize kung medyo shaky ako.

“Nagkakamali ako minsan, walang rason doon, wala akong excuses doon.

“Pero I am really trying my best, to do my best to entertain you, to give my best foot forward to make you happy and to at least inspire you and I will continue to do so.

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng support,” pahayag ni JM na huling napanood sa seryeng “Init Sa Magdamag” last year kasama sina Gerald Anderson at Yam Concepcion.

JM 5 taon nang single, umamin kung bakit ayaw pang magkadyowa

JM inalala ang naging laban kontra droga: I don’t want to be that person anymore…

Coco, Julia, JM magsasama-sama sa isang bonggang project?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending