Jeric diretsahang dinenay na buntis si AJ Raval: Kung totoo 'yun ako ang unang makakaalam dahil... | Bandera

Jeric diretsahang dinenay na buntis si AJ Raval: Kung totoo ‘yun ako ang unang makakaalam dahil…

Reggee Bonoan |August 25,2022
facebook
share this

Jeric diretsahang dinenay na buntis si AJ Raval: Kung totoo ‘yun ako ang unang makakaalam dahil…

Reggee Bonoan - August 25, 2022 - 12:10 PM

Jeric Raval at AJ Raval

“SABI ni AJ (Raval) magbihis daw ako at dadaanan niya ako kasi galing silang Pampanga, e, nandito ako sa Quezon City.”

Ito ang panimula ni Jeric Raval nang tanungin kung paano siya napapayag na manood sa private screening ng pelikula ng anak, ang “Sitio Diablo” na idinirek ni Roman Perez, Jr. na mapapanood na bukas Agosto 26, Biyernes sa Vivamax.

Nasambit ng aktor na sinabihan siyang magmo-malling lang sila (kasama ang iba pang anak) at ang ending ay sa screening pala ng “Sitio Diablo” ang diretso nila.

Simula kasi nang pasukin ni AJ ang pag-aartista at pawang sexy movies ang ginawa niya sa online platform ng Viva Films ay hindi nanonood ang tatay niya dahil nga hindi naman nito kayang panoorin ang anak na nakikipag-love scenes.

Kaya big deal para sa members ng media at vloggers kung paano napapayag ang action star at natanong nga siya tungkol sa mga maiinit na eksena ng anak.

Hindi raw napanood ng ama ni AJ ang kabuuan ng mga love scenes ng dalaga kasama si Kiko Estrada.

“Ito ang nangyari, tuwing may bed scene nagri-ring ang phone ko kasi mayroon kaming patay (lola ni AJ), so, kailangan kong bumaba. Sa tuwing pagpasok ko ng sinehan tapos na ‘yung eksena. Kaya ang napapanood ko lang (ibang eksena na),” napangiting sabi nito pagkatapos ng screening at mediacon kahapon.

Mukhang sinadya ang pagri-ring ng cellphone niya para hindi niya mapanood ang love scenes ng anak, “Parang, parang. Pero if ever, puwede ko namang takpan ang mga mata ko. Pero nandiyan na ‘yan, eh.

“Noong una talaga hindi ko siya sinusuportahan sa ganyan dahil ako ang tagal kong nag-artista lahat ng bed scene ko medyo maingat ako,” diretsong sabi ng aktor.

At natutuwa naman ang tatay ni AJ dahil isa ang anak sa in-demand sexy star sa Vivamax kaya parati siyang binibigyan ng projects ng Viva Films.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


“Oo, e, ‘yun ang kalakaran ngayon. Proud naman siyempre anak ko ‘yan at natutuwa naman ako na nabigyan siya ng break ng Viva dahil hindi naman lahat ay nabibigyan ng ganu’n break.

“Lalo’t agad-agad (sumikat). Ang bilis din parang ako noong araw nang mag-artista ako first movie ko, starring role agad at unang pelikula ko kumita kaagad,” nakangiting sabi ng aktor.

Queen of Vivamax daw si AJ, “Ahh, ‘di ko alam, eh (natawa). Siyempre happy naman ako sana ma-maintain niya ‘yung ganu’n.”

Sa tanong ni “TV Patrol” reporter, Mario Dumaual kung ano ang reaksyon nito sa mga lumabas na isyu lately kay AJ na pinagpipiyestahan ngayon ng mga “Marites.”

“E, di maraming salamat sa kanila at napapansin nila ang anak ko. Alam mo ‘yang mga ‘Marites’ importante rin ‘yan! Kung walang Marites sa buhay mo, mag-isip-isip ka na (dahil laos na),” punto de vista ng aktor.

At sa tanong kung totoo bang magiging lolo na siya dahil nga sa balitang buntis ang anak, “Ha-hahaha! Wala ‘yun, lagi naman akong nagiging lolo eh. Ha-hahaha!” tumawang sagot ng ’Tay Eric ni AJ.

Dagdag pa niya, “Saka iisa naman ang tirahan namin niyan kapag nandito ako sa Quezon City, sa akin umuuwi ‘yan at kapag nasa Pampanga kami, kami-kami rin ang magkakasama.”

Sa paniniwala pa ni Jeric ay okay lang kung buntis ang anak, at least daw hindi ito baog.

Kaso hindi nga raw totoo dahil, “Nakikita ko naman lagi ang anak ko, siyempre kung mayroon unang makakaalam niyan siyempre ako dahil lagi kong nakikita ‘yan.”

Nasambit ding hindi naman naapektuhan si AJ nang pumutok ang balitang buntis siya.

Hindi rin saklaw ni Jeric ang lovelife ng anak, “Dahil kung gusto ko man siyang higpitan at iyon naman ang gusto niya ay wala naman akong magagawa dahil hindi ko naman 24 hours kasama ko ‘yung anak ko, eh.

“Pinapayuhan ko na lang siya na huwag muna siyang mag-focus sa ganyan (magdyowa). Mag-focus ka sa trabaho mo, sa career mo,” aniya pa.
Pero alam daw ni AJ kung ano ang mga hindi dapat gawin, “Siyempre ang pag-aasawa nang maaga dahil 21 (anyos) lang siya saka kung nandoon ka sa peak ng career mo, e, mawawala ka. Alam ko na ‘yun kasi dinaanan ko ‘yan, eh.”
Inaming lagi ring sinasabihan ng aktor ang anak na umiwas sa mga lalaking sa tingin niya ay hindi okay, “Madalas kong sinasabihang ‘wag ‘yan anak!”

Pero sa huling lalaking na-link kay AJ (Aljur Abrenica) ay hindi naman niya pinagbawalan, “Hindi naman. May ibang nanligaw pa nga sa kanya na sabi ko, ‘huwag ‘yan anak magandang lalaki lang ‘yan wala kang future diyan.

“Hindi naman ako ganu’n kahigpit kasi para magsalita sa ‘yo o magkuwento ang anak mo, dapat huwag mong masyadong sinasakal.

“Kasi kapag masyado mong sinakal baka may problema na ‘yan ayaw pang magsalita kasi baka pagalitan mo lang siya pa masisi kaya ang relasyon namin ng mga anak ko para lang kaming magbabarkada, mapa-babae o mapa-lalaki.

“Kaya kapag nag-uusap kami masyadong kaswal lang at halos lahat nang pag-uusap namin ay nangyayari sa dinner,” aniya pa.

Kasama rin sa “Sitio Diablo” ang isa pang anak ni Jeric na si Ace Raval na susunod din sa yapak niya bilang action star at pangarap nga nitong maka-trabaho ang mga anak pero hindi sexy film.

“Ang gusto ko (sana) family oriented parang ‘yung Seven Sundays, something like that. Puwede ring action,” saad ng tatay nina Ace at AJ.

Ang pelikulang “Seven Sundays” ay produced ng Star Cinema at kuwento tungkol sa magkakapatid na gustong makasama ng padre de pamilya na ginampanan ni Ronaldo Valdez at ang mga anak na nagsiganap ay sina Aga Muhlach, Enrique Gil, Cristine Reyes at Dingdong Dantes at idinirek ni Cathy Garcia-Molina noong 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, bukod kina Kiko, AJ at Ace kasama rin sa “Sitio Diablo” sina Because, Cean Jr., Benz Sangalang, Massimo Scofield, Karl Aquino, Alvaro John Oteyza, Shiena Yu, Ace Raval, Sujin Kwon, Alona Navarro, Sahil Khan, Pio Balbuena at Joko Diaz.

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending