AJ kay Aljur: Ipagdasal natin mga mapang-api at mapanghusga!

AJ kay Aljur: Ipagdasal na lang natin mga mapang-api at mapanghusga!

Ervin Santiago - October 11, 2024 - 07:14 AM

AJ kay Aljur: Ipagdasal na lang natin mga mapang-api at mapanghusga!

Kylie Padilla, Aljur Abrenica at AJ Raval

“MAHAL ka ng Panginoon!” Iyan ang bahagi ng mensahe ng dating Vivamax Queen na si AJ Raval para sa kanyang partner na si Aljur Abrenica.

Ito ang sagot ni AJ sa pa-shoutout sa kanya ni Aljur kung saan nagpasalamat ang hunk actor sa “unconditional love” na ibinibigay sa kanya ng girlfriend.

Ayon sa estranged husband ni Kylie Padilla, napakaswerte raw niya sa pagkakaroon ng partner na tulad ni AJ dahil sa pagtanggap nito sa kanya nang buong-buo.

Sey ni Aljur kay AJ, “Thank you for embracing every part of me. Your unconditional love reminds me every day that being myself is enough.

Baka Bet Mo: Kim Chiu ‘greatest weapon’ sa buhay ang pagrorosaryo: ‘Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ako binitawan ng Panginoon’

“I’m so grateful to have you by my side, celebrating our beautiful journey together.”

Sinagot ng anak ng action star na si Jeric Raval ang mensahe sa kanya ni Aljur at sinabing hindi raw alam ng publiko ang lahat ng mga pinagdaanan niya sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Hugot ni AJ, “Nakikita kita at alam ko ang totoong nangyari sayo, Naiintindihan kita. Ipag dasal na lang natin mga taong mapang api at mapang husga.. mahal ka ng panginoon at kahit kailan hindi ka nya pinabayaan”

“Alam mo naman yon,” ang dagdag pang sabi ng aktres.

Hanga rin daw siya pagiging mapagkumbaba ni Aljur at sa haba ng pasensiya nito lalo na sa mga taong umaalipusta at nanghahamak sa kanya. Kahit kailan daw ay hindi naiisip ng aktor ang gumanti.

“Alam ko kung gaano ka kalapit sa pangiinoon at saksi ako doon.. lagi mong pinag papaliban sa panginoon kaya kahit kailan hindi mo naisipan gumanti at magsabi ng totoo…” sabi pa ni AJ.

Nauna rito, may cryptic post din si AJ sa social media na pinaniniwalaang sagot sa umano’y patutsada ni Kylie Padilla sa pagtakbo ni Aljur bilang konsehal sa Angeles City, Pampanga sa 2025 elections.

Nitong nagdaang October 7, May hugot si Kylie tungkol sa pagiging “great leader.” Narito ang kanyang post.

“A man who raises his kids with good values, integrity, and humility. A man loyal to his wife and remains true despite obstacles.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“A man who has a heart close to God. Service is about what you can do for others, not what they can do for you,” sabi pa ng Kapuso star.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending