Kim Chiu ‘greatest weapon’ sa buhay ang pagrorosaryo: ‘Sa dami ng pinagdaanan ko, hindi ako binitawan ng Panginoon’
NAGING emosyonal ang TV host-actress na si Kim Chiu matapos ibunyag ang kanyang sikreto upang manatiling matatag at malagpasan ang mga pagsubok sa buhay.
Ayon kay Kim, ang kanyang sandata at madalas kapitan ay ang pagdarasal ng rosaryo.
“Panata ko talaga sa Holy Week, araw-araw talaga akong nagrorosaryo,” rebelasyon ni Kim habang naka-live ang noontime show na “It’s Showtime.”
Paliwanag pa niya, “Kasi sa dami ng pinagdadaanan ko sa buhay, kapag may hawak ka talagang rosary, hindi ka bibitawan ng Panginoon. Parang ‘yun ‘yung greatest weapon na meron ka.”
Halos naiiyak pang inamin ng TV host na dahil sa kanyang busy schedule ay hindi na siya nakakapagdasal at ito raw ay kanyang pinagsisisihan.
“Kapag nagro-rosary ako, parang kausap ko ‘yung Panginoon. So everyday ‘yun. Pero lately, hindi na ako nakapag-rosaryo, so parang ‘yun ‘yung isa sa hihingin ko ng tawad,” sey niya.
Dagdag pa niya, “Dati everyday pero nitong huli, parang nababawasan pero hindi dapat.”
Baka Bet Mo: True ba, Kim Chiu bibida sa Pinoy version ng K-drama na ‘What’s Wrong With Secretary Kim’?
Panawagan pa niya sa madlang pipol na kahit ano ang mangyari sa buhay ay kailangang hindi makakalimutang magdasal.
“Dapat ituloy lang araw-araw kahit maraming magagandang nangyayari, ‘wag kang makakalimot sa Panginoon,” saad ng aktres.
Sumang-ayon naman ang kapwa-TV host na si Vice Ganda kay Kim at pinaalala pa sa manonood na dapat nagdarasal tuwing bago matulog at paggising sa umaga.
Sabi ni Vice, “Pero kahit ano pa ‘yan, kahit gaano kahirap ‘yung ginagawa natin, kahit pagod na pagod tayo, simple na ‘yung don’t sleep yet hangga’t hindi ka pa nakakapagdasal.”
“Dasal muna kahit ilang sentences lang ‘yan. Hanggang sa hindi mo pa nga ‘yan matapos e, makatulog ka habang nagdadasal. Basta magdasal bago matulog at paggising magdasal ulit,” patuloy niya.
Aniya pa, “Maraming nangyayari sa paligid, malaking tulong ‘yung pagdarasal natin. Kaya mo nga mag-TikTok ng ilang hours, ‘yung dasal hindi aabutin ng isang oras ‘yun kaya let’s continue doing so.”
Related Chika:
Jinkee nagregalo ng Bible sa mga taga-Gen San: Naibigay ko sa kanila ang love letter ng Panginoon
Maymay kabogera: Bumangon ako, iniligtas ng Panginoon at tanggap ko ang best version ko ngayon!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.