Kim Chiu nakipag-bonding kina Bela at Angelica, 'feeling lucky' sa mga kaibigan | Bandera

Kim Chiu nakipag-bonding kina Bela at Angelica, ‘feeling lucky’ sa mga kaibigan

Therese Arceo |March 23,2023
facebook
share this

Kim Chiu nakipag-bonding kina Bela at Angelica, ‘feeling lucky’ sa mga kaibigan

Therese Arceo - March 23, 2023 - 05:34 PM

Kim Chiu nakipag-bonding kina Bela at Angelica, 'feeling lucky' sa mga kaibigan

MULING nagkasama at nagka-bonding ang magkakaibigang sina Angelica Panganiban, Bela Padilla, at Kim Chiu o “AngBeKi” for short.

Sa kanyang Instagram posts ay ibinagi niya ang isang video kung saan tila umakyat ng puno ng buko ang “It’s Showtime” host habang tsini-cheer siya nina Angge at Bela na makakuha ng buko kahit isa lang.

Sa huli ay joke time lang pala dahil kasing laki lang halos ni Kim ang puno at si Direk Andoy Ranay pa ang kumuha ng video.

Sa hiwalay na IG post ay ibinandera naman ng TV host-actress ang masasayang larawan na kuha mula sa kanilang nakaraang bonding.

“Feeling lucky to call these two beautiful, strong women my friends!!! we may not see each other that much but when we do, magkaka six packs na kami sa kakatawa and tutubuan na kami ng additional dimples sa kakasmile!” pagbabahagi ni Kim.

Dagdag pa niya, “Yes ganun po ka lala!!!! Had a great time with you momsy @iamangelicap @bela namiss ko ang bonding natin plus ang sarap patawanin ni pretty bean!!!”

Baka Bet Mo: Kim Chiu mas pinapaboran daw ng mga bossing sa ‘It’s Showtime’ kaya naeetsapwera si Karylle

Base sa caption ng aktres ay sa bahay nila Angge at Gregg sila tumambay.

“thank you @gregg_homan as always and kay direk @andoyr1973 . Umuwi kami ni momsy bels ng busog ang tyan and heart!!!1 day felt like 5months!!! Ang saya!!!! next week ulit??? wahaha lels,” chika pa ni Kim.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

May pa-quote nga ang aktres na “𝖳𝗋𝗎𝖾 𝖿𝗋𝗂𝖾𝗇𝖽𝗌 𝖺𝗋𝖾 𝗇𝖾𝗏𝖾𝗋 𝖺𝗉𝖺𝗋𝗍, 𝗆𝖺𝗒𝖻𝖾 𝗂𝗇 𝖽𝗂𝗌𝗍𝖺𝗇𝖼𝖾 𝖻𝗎𝗍 𝗇𝗈𝗍 𝗂𝗇 𝗁𝖾𝖺𝗋𝗍.”

Ipinost rin naman ni Bela ang larawan mula sa bonding time nila nina Kim at Angelica na may caption na “The invisible life”.

Matatandaang noong 2019 nang aminin ng “Chinita Princess” sa interview niya kay Tito Boy na nagsimula sa isang birthday party ng kanilang common friend nagsimula ang kanilang pagkakaibigan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan, nagpatattoo pa sina Angelica, Kim at Bela bilang tanda ng kanilang friendship.

Related Chika:
Kim Chiu, Xian Lim nagpakaligaya sa France Disneyland; pine-pressure na ng fans na magpakasal

Xian Lim umaming extra challenge maidirek si Kim Chiu, walang isyu kung makipaghalikan sa pelikula na iba ang partner

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending