Mary Jane pinag-iinitan sa kulungan, nanganganib ang buhay?

Mary Jane Veloso pinag-iinitan sa kulungan, nasa panganib ang buhay?

Ervin Santiago - February 03, 2025 - 12:05 AM

Mary Jane Veloso pinag-iinitan sa kulungan, nasa panganib ang buhay?

Mary Jane Veloso

KINUMPIRMA ng pamilya ni Mary Jane Veloso na pinag-iinitan umano ito ng kanyang mga kasamahan sa loob ng Women’s Correctional.

Ito ang dahilan kung bakit nababahala raw ang mga kaanak ni Mary Jane para sa kundisyon at kaligtasan nito sa naturang kulungan.

Matatandaang noong December 18, 2024 nang makabalik sa Pilipinas si Mary Jane matapos ang 14 taong pagkakakulong sa Indonesia kung saan siya nasentensyahan ng bitay dahil sa ilegal na droga.

Sa report ng “Frontline Pilipinas”  kamakailan, si Mary Jane raw mismo ang nagsabi sa kanyang pamilya na pinupuntirya siya ng ilang inmates sa selda kung saan siya nakakulong.

Baka Bet Mo: Bea pinapalo ng hanger at sinturon ng nanay: Pero umiiyak din siya

“Mukhang pinag-iinitan daw siya ng mga ka-cellmate niya. Kasi dati solo, solo na cell siya, ngayon she was transferred sa isang malaking cell.

“Marami siyang kasama doon sa cell,” ang pahayag ni Migrante Deputy Secretary General Josefina Pingkihan.

Kasunod nito, nakiusap muli ang pamilya at mga kaanak ni Mary Jane kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr., na sana’y palayain na siya mula sa Correctional.

“Mr. President, palayain n’yo na po yung kapatid ko. Binigay naman na po ng Indonesian government sa mga kamay n’yo ang desisyon.

“Sana po pakawalan n’yo na po ang kapatid ko. Parang awa n’yo na po,” ang pahayag naman ng kapatid ni Mary Jane.

“Nag-aalala po talaga kami sa kaniya, sa buhay niya. Hindi po sa kalusugan niya, sa buhay niya,” sey pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nauna nang inihayag ni PBBM na kailangan pa ng isang masusing pag-aaral sa kaso ni Mary Jane bago makapaglabas ng desisyon kung pakakawalan siya nang tuluyan o mananatili sa kulungan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending