Bea pinapalo ng hanger at sinturon ng nanay: Pero umiiyak din siya
PROUD na proud si Bea Alonzo sa kanyang inang si Mary Anne Ranollo dahil sa tapang at kasipagan nito para maitaguyod lamang ang kanilang pamilya.
Partner at BFF ang turingan nilang mag-ina kaya naman mula pa noong bata siya ay magkatuwang na sila sa lahat ng bagay lalo pa’t siya ang panganay (dalawa lamang silang magkapatid).
Bata pa lang ay talagang disiplinado na siya bilang anak, “Pinapalo kami dati ng hanger or sinturon. Pero tuwing gagawin niya ‘yon, umiiyak din siya.
Baka Bet Mo: Mary Joy Santiago pumirma ng kontrata sa Viva, susunod raw sa yapak ni AJ Raval?
“Pero hindi siya magso-sorry, meron siyang ibang gagawing bagay para mag-apologize, like ipagluluto ka niya. To be honest, she was very strict when we were growing up,” pagbabahagi ni Bea sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda para sa Kapuso anthology na “My Mother, My Story.”
View this post on Instagram
“Of course, back then I don’t understand why. She got pregnant when she was 19. She had me when she was 20. So, we’re also good friends. Growing up parang walang generation gap.
“That’s what I’m afraid of because I’m 36 and hindi pa ako nagkakaanak. So iniisip ko sana maging kasing cool ako ni mama if I have kids,” pagpapatuloy ng Kapuso actress.
Ang pinakatumatak na pangaral sa kanila ng kanyang nanay ay, “Lagi niyang sinasabi sa amin ng kapatid ko, ‘Buntot mo, hila mo.’ Ang ibig sabihin kapag may ginawa kang desisyon kailangan mong pangatawanan.
“You have to be able to stand up for yourself. And you have to make sure that you standby the decision that you make. Panganay kasi si mama, tapos ‘yung lola ko was an OFW.
Baka Bet Mo: Fashionistang teacher winner ang pa-food trip sa mga estudyante tuwing Biyernes, rumaraket para sa extra budget
“So basically, she was the mother of her siblings. She also started working very young. She really grew up as a really strong woman,” paliwanag ni Bea.
Patuloy pa niya, “We have our own strength and we show it differently. Si mama bata pa lang, hustler na siya. Kasi mahirap sila, bata pa lang siya, pinagtitinda na siya ng lola ko ng mga kakanin.
“O, ‘yung lola niya, kasi may babuyan, siya ‘yung kumukuha ng mga scraps ng pang-feed do’n sa mga baboy. Nahihiya daw siya kasi madadaanan ‘yung bahay ng crush niya.
“So iikot siya ng malayong ruta para hindi siya makitang may dalang kaning-baboy. She really had a tough childhood. Kaya ‘yon din ang naging dahilan nu’ng panahon na kumikita na ako ng pera. Talagang she made sure na makakaipon at makakapagpundar kami,” lahad pa ng premyadong aktres.
View this post on Instagram
Samantala, rebelasyon pa ni Bea, nu’ng una raw ay nagdadalawang-isip ang nanay niya na mag-artista siya, mas gusto raw nito na maging stewardess siya.
“’Yun ang pangarap niya kaya lang iba naman ang pangarap ko, to become an actress. She never really wanted me to become an actress. Alam niya (hilig ko), kasi kapag nanonood ako ng TV, ginagaya ko ‘yung mga napapanood ko.
“Halimbawa sina Ate Juday (Judy Ann Santos), Ate Claudine (Barretto), kapag naiiba na ‘yung music, alam ko iiyak na sila. Nasa harapan ako ng mirror, nandito ‘yung TV, nakikipag-unahan akong umiyak sa kanila. Hindi ko alam na workshop na pala ‘yun,” natatawang pag-alala ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.