Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy | Bandera

Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy

Reggee Bonoan |October 27,2022
facebook
share this

Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy

Reggee Bonoan - October 27, 2022 - 11:29 AM

Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy
NAG-POST na ang aktres na si Bea Alonzo ng mga larawang kasama ang kanyang mommy Mary Anne Ranollo at step dad nitong si Dondon na tatay ng half brother niyang si James Carlos na nasa Madrid, Spain sila.

Base sa larawan ay nandoon sila sa harap ng apartment na nabili ng aktres para sa ina at sa malawak nilang salas.

Ang caption ni ni Bea, “I was finally able to show my mom our apartment in Madrid and she was so happy! Ang dami nya nang plano on how to fix the place. I am so grateful I get to share this moment my mom. Pangarap ko lang to eh. Yakapin n’yo naman nanay n’yo para sa akin.”

Ilang araw na itong ibinabalita nina Nanay Cristy, Romel Chika at Morly Alinio sa “Showbiz Now Na” YouTube channel nila na maraming kababayang Pinoy ang nakakaalam na nakabili na nga si Bea ng bahay niya sa Madrid at ina-abangan siya ng iba na lumabas o makita sa vicinity para makapagpa-picture.

Ang mga nasabing kababayan din ang nagpapadala ng mga impormasyon sa SNN hosts na ng mga larawan ng building kung nasaan ang apartment ng aktres.

Ang inaabangan pa ng mga kababayang Pinoy sa Madrid ay kung saan mamimili ng mga muebles niya si Bea para kunan din nila ng larawan.

As of now ay wala pang balita kung nakapamili na sina Bea at mommy Mary Anne nito ng mga gamit nila sa bahay.

Base rin sa iba pang post ni Bea ay ipinasyal niya ang ina sa magagandang tanawin sa Madrid.

Caption ng aktres sa hiwalay na video post niya, “Spent the day in Burgos on the way to San Sebastian from Madrid. Beautiful place.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

May video ring nakita ang mommy ng dalaga na nakasakay siya sa automatic wheel chair habang naglilibot sa Segovia magandang lugar din sa Spain.

Samantala, hindi kasama ni Bea ang boyfriend niyang si Dominic Roque na ayon din kay ‘nay Cristy ay hinayaan ng aktor na maka-bond ng dalaga ang magulang niya na sila lang.

Related Chika:
Heart Evangelista bumili ng bagong apartment, hindi muna babalik ng Pilipinas

KC nakahanap na ng apartment sa US; takot na takot nang manood ng baseball game

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Bea Alonzo suportado ng GMA-7: ‘Nagpapasalamat kami sa mga fans, supporters, at followers na patuloy na pagmamahal’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending