KC nakahanap na ng apartment sa US; takot na takot nang manood ng baseball game | Bandera

KC nakahanap na ng apartment sa US; takot na takot nang manood ng baseball game

Ervin Santiago - September 09, 2021 - 11:00 AM

KC Concepcion

FINALLY, nakahanap na rin si KC Concepcion ng titirhang apartment sa Amerika matapos ma-extend ang pagbabakasyon niya roon nang ilang buwan.

Ito ang masayang ibinalita ng TV host-actress sa kanyang mga tagasuporta at social media followers sa pamamagitan ng bago niyang vlog sa YouTube.

Sabi ni KC, makalipas ang ilang araw na paghahanap, nakakita na rin siya ng perfect apartment sa may area ng West Hollywood, California.

Sa latest vlog niya na may titulong “LIFE LATELY | EXCLUSIVE!”, ibinahagi ni KC ang ilang kaganapan sa buhay niya ngayon sa Amerika pati na ang ginawa niyang apartment hunting doon. 

“Grabe dito sa LA hindi ko kaya dalhin yung buong lifestyle ko sa Philippines dito sa Los Angeles. Siyempre Amerika ‘to ibang bansa but I love being able to discover myself, discover this place, all over again.

“And like I said, I’m always up for new adventures naman. Ginusto ko ‘to so ngayon nasa Amerika na tayo and it’s a Filipina in America! I knew na medyo matatagalan ako dito sa States,” simulang kuwento ng dalaga.

“Medyo hindi ako makakauwi agad-agad dahil nga sa pag-aaral ko rito so because I knew that I would have to stay a little longer, I decided to go apartment hunting. 

“So yes, kakalipat ko lang sa bahay sa Manila and now meron na akong hahanaping apartment ulit dito,” lahad ni KC sa kanyang vlog.

Kasunod nga nito, nagkuwento nga ang anak nina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta na kailangan na niyang maghanap ng apartment para tirhan dahil nga magtatagal pa siya sa US.

“Ang hinahanap kong location is yung makakapaglakad ako dahil hindi pa ako nagda-drive here. Dapat walking distance yung grocery, walking distance lang yung pharmacy or yung mga kailangan,” pahayag pa niya.

At habang wala pa siyang nabibiling mga bagong furniture para sa kanyang bahay, sa air bed muna raw siya matutulog pansamantala, “I’m starting out fresh here in the States and I can’t wait to see what America has in store for me.” 

Nagkuwento rin ang dalaga tungkol sa mga pinagkakaabalahan niya ngayon sa US kabilang na ang naging experience niya sa unang pagkakataon na makapanood ng baseball game sa Dodger Stadium sa LA.

“This is typical L.A life. First time kong manonood ng baseball so I think I need to relax and experience this for the first time with some friends. Guys takot na takot ako. Double mask ito at saka shades tingnan niyo ang daming tao. But at least we’re outdoors and hindi ako magtatanggal ng mask!” chika ni KC.

Sa huling bahagi ng kanyang vlog, nabanggit din ni KC ang posibilidad na tuluyan nang manirahan sa Amerika, “Iba rin naman ang buhay Amerika. Iba rin talaga ang buhay mag-isa. Siyempre dito ibang bansa pa rin ‘to and even if I’ve studied in American schools most of my life, it’s still different to be living in a place that you’re not really not familiar with as a local. 

“Every time pupunta kami ng Los Angeles ng family ko it was just normally for vacation, for summer school nung bata ako. My cousins lived here and nag-su-summer school ako every year. 

“And now that talagang nag-decide na ako na mag-aral ulit, eto napadpad ako ng LA, napadpad ako ng Amerika, and I’m making the most of my time here. Making the most of quarantine. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So hopefully tama yung naging decision ko na pumunta dito and tapusin yung pag-aaral ko sa gemology. So guys wish me luck or pray for me, send me good vibes, send me light and love, and I’m sending it back. I hope everyone’s doing well,” pahayag pa ng rumored girlfriend ng international singer-composer na si Apl.de.ap ng Blackeyed Peas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending