Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang... | Bandera

Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Reggee Bonoan |October 03,2022
facebook
share this

Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Reggee Bonoan - October 03, 2022 - 05:29 PM

SIGURO kung naging bata-bata pa at puwede pang manganak ang kilalang talent manager na si Manay Lolit Solis ay gusto naming isiping pinaglilihian lang niya ang aktres na si Bea Alonzo.

Yasmien Kurdi at Bea Alonzo

SIGURO kung naging bata-bata pa at puwede pang manganak ang kilalang talent manager na si Manay Lolit Solis ay gusto naming isiping pinaglilihian lang niya ang aktres na si Bea Alonzo.

Aba’y hindi lumilipas ang isang linggo na wala siyang komento tungkol kay Bea at ramdam mo sa mga Instagram post niya na super gigil siya sa dalaga na ang ugat ay ang pagpapatanggal sa kanya sa mediacon ng ineendorso nito.

Ang caption ni Manay Lolit sa kakapost niyang larawan ni Bea, “Palagay mo Salve na consult sa lawyer nila Shirley Kuan at Bea Alonzo bakit hindi mukhang fresh si Bea sa Start Up PH?

“Mukha talagang mas fresh at bata si Alden Richards kaya para silang mag Tita. At least younger sa Lola, hah hah hah. Baka sobrang pagod na sa pag consult sa lawyer kaya mukhang haggard at matanda si Bea Alonzo.

“To think na dapat new graduate siya na naghahanap ng trabaho. Pag katabi niya si Yasmien Kurdi mukhang batang bata si Yasmien kaya lalo tuloy nagmumukhang tuyot at losyang si Bea.

“At pag kasama niya si Alden sa eksena, mas lalo pa tuloy guwapo ang Alden. Talagang hindi lawyer ang dapat consult ni Shirley, dapat magic make-up artist at bonggang stylist para sa image building ni Bea Alonzo.

“Saka bakit kailangan consult ang lawyer eh ang dapat lang naman magmukhang maganda. Kaloka naman.

“Dahil lang diyan cancel na agad sa presscon ng ____ (produkto), sobra naman power tripping, hayan tuloy, hindi na promote masyado iyon product kaya hindi gaano umandar sa market, sayang, number 1 pa naman.

“Nega kasi iyan pa cancel na ginawa ng team Bea, walang mangyayari sa power play ng hindi naman box office at top rating star.

“Karmatic talaga, affected ng 150K ni Gretchen Barretto na binigyan ng malisya ang pagtatanong, hayan tuloy, walang lovebox. Hay naku, hindi bongga #classiclolita #ctto,” ang buong caption ng talent manager sa kanyang IG post.

Hindi kaya lambing lang ito ni Manay Lolit para batiin o dalawin siya ni Bea? Kasi ‘yung ibang ginu-good time ni Manay sa IG post niya ay naging okay na sila noong dinalaw siya.

Sabi nga ng isang close kay Manay Lolit, “Ganyan lang si Manay, carino-brutal parang hindi mo naman kakilala. Pag nagkita na ako masaya na ‘yun.”

Bea, hindi kaya need lang ni Manay Lolit ng hug from you?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

Ogie Diaz nag-react sa isyu nina Lolit at Bea: Sa edad niyang ‘yun, nai-scratch pa ‘yung pangalan niya

Lolit Solis ayaw tantanan si Bea Alonzo; Alden Richards nadamay daw sa kamalasan

Yasmien Kurdi naloka matapos magkamali ng pinasok na tent sa taping: ‘Set po ito nina Bea Alonzo…’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending