Bea Alonzo suportado ng GMA-7: 'Nagpapasalamat kami sa mga fans, supporters, at followers na patuloy na pagmamahal' | Bandera

Bea Alonzo suportado ng GMA-7: ‘Nagpapasalamat kami sa mga fans, supporters, at followers na patuloy na pagmamahal’

Therese Arceo |October 15,2022
facebook
share this

Bea Alonzo suportado ng GMA-7: ‘Nagpapasalamat kami sa mga fans, supporters, at followers na patuloy na pagmamahal’

Therese Arceo - October 15, 2022 - 09:13 PM

Bea Alonzo suportado ng GMA-7: 'Nagpapasalamat kami sa mga fans, supporters, at followers na patuloy na pagmamahal'
NAGPAKITA ng pagsuporta ang GMA Network para sa isa sa kanilang controversial talent na si Bea Alonzo.

Nitong Biyernes, October 14, naglabas ng opisyal na pahayag ang media network upang protektahan ang kanilang A-list talent.

“Nananatiling buo ang suporta at pagpapahalaga ng GMA Network kay Ms. Bea Alonzo bilang isang aktres at aming Kapuso,” umpisa ng official statement ng Kapuso network.

Masaya ang pamunuan ng GMA sa magandang pagtanggap ng mga Pinoy sa Filipino adaptation ng Korean series na “Start Up” kung saan katambal niya si Alden Richards.

“Nagpapasalamat kami sa mga fans, supporters, at followers ni Bea at ng GMA Network sa patuloy na pagmamahal,” ayon pa sa statement.

Pagtatanggol pa ng GMA, wala raw sa kanilang kultura ang paninira sa kahit sino man at hindi rin nila pinapayagan na pagsalitaan ng hindi totoo ang kanilang mga artista maging ang kanilang programa.

Nagmula ang paglalabas ng official statement ng GMA Network dahil sa tila pambubully ng talent manager na si Loli Solis kay Bea.

Nagsimula ito nang bigla na lang tanggalin ang pangalan ng talent manager at kolumnista sa listahan ng mga invited press sa isang presscon para sa pinakabagong endorsement ng aktres.

Dito na nga nagsimula at nagsunud-sunod ang mga write up ni Manay Lolit kay Bea na magpahanggang ngayon at mayroon pa rin.

Inamin naman ng talent manager niyang si Shirley Kuan na walang kinalaman ang aktres sa pagpapatanggal ng kolumnista sa listahan at siya mismo ang nagdesisyon na ipaalis si Manay Lolit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Samantala, naniniwala rin ang GMA Network na maliit lang ang industriya ng show business, hangad nila ang masaya, mabuti, at maayos na pakikitungo sa bawat isa.

Related Chika:
Lolit Solis kay Bea Alonzo: Siguro masakit pa ring ma-ghost ng isang Gerald Anderson

Kumpirmado! May iba pang big stars na lilipat sa GMA mula sa ibang TV network

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bea Alonzo ipinagdarasal si Lolit Solis: I heard she’s sick, lalong hindi ako sasagot…I respect her so much

Lolit Solis tuloy ang pambabasag kay Bea Alonzo: Kapag katabi niya si Yasmien Kurdi mukha siyang…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending