Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa 'yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko! | Bandera

Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Ervin Santiago |May 09,2021
facebook
share this

Ai Ai sa pagiging single mom noon: Isa ‘yun sa pinakamahirap na moment sa buhay ko!

Ervin Santiago - May 09, 2021 - 09:23 AM

PINATUNAYAN ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas kung gaano kahirap ang maging single mom at magpalaki ng apat na anak.

Isa si Ai Ai sa mga celebrities na maituturing na super mom o dakilang ina dahil sa kabila ng matitinding pagsubok na hinarap niya ay nabigyan pa rin niya ng magandang buhay ang mga anak na sina Nicolo, Sophia, Sancho at ang adopted son niyang si Seth Andrei.

“Naku, napakahirap. Isa ‘yon sa pinakamahirap na moment sa buhay ko (maging single mom). Parati ko silang kasama sa taping, sa shooting.

“Or kunwari, kung hanggang madaling araw ‘yung shoot, kunwari, tapos meron na naman tomorrow, parang meron kaming family day every Sunday talaga,” kuwento ni Ai Ai sa nakaraang episode ng “Tunay Na Buhay.”

Bilang bahagi ng Mother’s Day celebration, binigyan ng chance ang mga anak ng komedyana na mailarawan ang kanilang nanay.

Ayon kay Sophia, istrikto raw talaga si Ai Ai noong bata pa siya, “Grade school to high school, she was very strict, to the point na whenever my brothers’ friends are over our house, she didn’t like to go out of my room.

“Tapos, if lalabas man ako, bawal ako mag-shorts. When I turned 18, chill na siya and our relationship mas naging open,” aniya pa.

Ayon naman kay Sancho Vito, grabe raw sumuporta ang kanilang ina sa lahat ng mga ginagawa nila, “Hindi siya tumigil maging nanay sa amin, hanggang ngayong may edad kami.

“Nandiyan pa rin siya to support us. Lagi siyang nandiyan para saluhin kung ano mang maging problema namin,” sabi ng aktor.

Samantala, nagkuwento rin si Ai Ai tungkol sa adopted son niyang Seth Andrei na napunta sa kanya noong five days old pa lang ang bata.

“Ewan ko ba. Parang nu’ng panahon na ‘yon gusto kong mag-adopt. Parang ewan ko ba, nalulungkot ako, na parang may hinahanap ako na ano ba ‘yung misyon ko sa mundo after ko maging nanay.

“Eh, malalaki na nga ‘yung mga bata. Nag-pray ako. Sabi ko parang nahihiya na ko kay Lord, baka talagang para sa akin ‘tong batang ‘to,” kuwento ng Kapuso comedienne.

Nagpaliwanag din siya kung bakit gusto niyang kasama lagi sa kanyang TikTok videos si Seth Andrei, “Parati kasing ninanamnam ko sa sarili ko na ‘yung hula sa’kin na meron akong anak na magiging sikat na sikat na sikat, na magiging mas sikat pa sa akin. Parang ganu’n daw.

“Kaya sabi ko, ‘Naku  sino kaya sa mga anak ko? Feeling ko ikaw, anak. Feeling ko ikaw ‘yon,’” sabi pa ng komedyana.

Sa isang bahagi ng panayam, naibahagi rin ni Ai Ai kung paano siya inampon ng 93-year-old na ngayong si Nanay Justa (kapatid ng tunay niyang tatay).

“Kasi ‘di ba medyo mahirap lang kami tapos five na ‘yung kapatid ko. Tapos nabuntis ulit ‘yung nanay ko. Sabi nito ni Nanay Justa, sinabi niya doon sa biological mom ko na ‘Ate, kapag babae ‘yan, akin na lang ha?’ Parang tuta lang ‘di ba?” natatawang biro niya.

Pag-amin pa niya, “Dati kasi parang may mga hinaing ako sa buhay na kapag pinapalo niya ko,’pag nagagalit siya sa akin.

“Parang iniisip ko, ‘Sana hindi mo na lang ako kinuha. Pero kapag naisip ko rin ngayon na nakapagtapos ako ng pag-aaral, kahit paano maganda naman ‘yung buhay namin, thankful ako sa kanya na kinuha niya rin ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi siguro kung hindi niya ako kinuha, hindi ako makakapag-aral, nandoon lang ako sa probinsya. At saka kung hindi rin siya siguro mahigpit, pariwara ako ngayon,” pahayag pa ni Ai Ai.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending