Ai Ai humagulgol kay Alden nang hiwalayan ni Gerald sa chat

Ai Ai humagulgol sa harap ni Alden nang hiwalayan ni Gerald sa chat

Ervin Santiago - December 15, 2024 - 10:41 AM

Ai Ai humagulgol sa harap ni Alden nang hiwalayan ni Gerald sa chat

Ai Ai delas Alas, Alden Richards at Gerald Sibayan

HUMAGULGOL si Ai Ai delas Alas nang makita si Alden Richards nu’ng mismong araw na nag-message si Gerald Sibayan para makipaghiwalay na sa kanya.

Ito ang rebelasyon ng Comedy Queen nang balikan ang ilang detalye tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang estranged husband.

Sa panayam kay Ai Ai ng YouLOL Originals podcast na “Your Honor” hosted by Tuesday Vargas and Buboy Villar, inamin niya na talagang nasaktan at masamang-masama ang loob niya nang i-message siya ni Gerald mula sa Amerika na gusto na nitong tapusin ang kanilang relasyon.

Baka Bet Mo: Ariel napakasakit ng pag-iyak nang balikan ang alaala ng yumaong ama: ‘Kung pagod na kayo, magpahinga na kayo…that’s all I said’

Sabi ni Ai Ai, halu-halong emosyon ang nararamdaman niya that time lalo’t naka-schedule rin nu’ng araw na yun ang birthday special niya sa musical variety show ng GMA 7 na “All Out-Sundays.”

“Yung araw na sinabi niya sa akin na ayaw na niya ganyan-ganyan. Ano ‘yun taping ‘yun ng AOS (All-Out Sundays),” simulang pagbabahagi ng premyadong aktres.

Ani Tuesday: “Sabi nga, ‘tapos birthday special mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas)


“Birthday special ko! My gosh akala ko, sabi ko, ‘Diyos ko po sana maitawid ko ‘to.

“E di ito na, naitawid ko na nga ‘yung show, walang hiya nakita ko si Alden Richards. Nakita ko si Alden, e, close ‘yun sa akin, e. Tsaka close rin ‘yun kay ex. So nung nakita ko siya parang ano ba?

“Ganu’n ka naman ‘di ba, kapag may pinagdadaanan ka masyado ka emosyonal. Nu’ng nakita ko siya, humagulgol ako,” kuwento pa ng Comedy Queen.

“Eh, di takang-taka ‘yung Alden?” sundot na tanong ni Tuesday.

Tumango si Ai Ai, “Sabi ni Alden, ‘Oh! Bakit Miss Ai, bakit ka umiiyak? Sabi ko, ‘na-miss kita!’”

Sey uli  ni Tuesday, “Pero I’m sure nakakutob siya?”

“Nakakutob naman, nag-viber siya sa akin. Sabi niya, ‘Kung ano ‘yung pinagdadaanan mo Miss Ai, sabi niya okay lang ‘yan. Sabi niya naiitindihan kita,’” sey pa ng komedyana.

Tanong naman ni Buboy Villar sa kanya, “Ate Ai, paano n’yo po parang ang hirap po kasi nung pakiramdam na ganun. Paano n’yo po kinayanan ‘yun, kasi kung ako yun. Parang ‘di ko na alam magiging sabaw po ako.”

Tugon ng aktres, “Lutang naman talaga ako nu’n pero kailangan ko kayanin, kasi wala naman ako magagawa nandun ako sa AOS. Tapos kailangan ko mag-work and birthday celebration ko pa yun.”

Sa ngayon, pinipilit ni Ai Ai na makapag-move on sa breakup nila ng asawa at mas nagpo-focus ngayon sa pagtatrabaho at charity works.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Next year, marami raw mangyayaring pasabog sa kanyang career kabilang na ang muli niyang pagsali sa Metro Manila Film Festival 2025. May tinutulungan din siyang bagong rap group ngayon, ang Outcast.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending