Mary Joy Santiago pumirma ng kontrata sa Viva, susunod raw sa yapak ni AJ Raval? | Bandera

Mary Joy Santiago pumirma ng kontrata sa Viva, susunod raw sa yapak ni AJ Raval?

Therese Arceo - January 06, 2023 - 05:29 PM

Mary Joy Santiago pumirma ng kontrata sa Viva, susunod raw sa yapak ni AJ Raval?
USAP-USAPAN ngayon ang social media influencer na si Mary Joy Santiago matapos itong madawit sa hiwalayang McCoy De Leon at Elisse Joson.

Ang dalaga nga ang itinuturong “third party” matapos kumpirmahin ng aktor ang paghihiwalay nila ng aktres nitong Martes ng gabi, January 4.

Matapos nga ang kumpirmasyon ay ibinahagi naman ni Mary Joy ang pagpirma niya bilang talent sa Viva Artists Agency, talent management arm ng Viva Entertainment.

Bukod sa larawan ng kanyang pagpirma ng kontrata ay may picture rin ito kasama ang big boss ng Viva na si Vic del Rosario Jr.

“Contract signing Viva Artist. Thank you po Ms. Rhina and Jerico Montemayor,” caption ni Mary Joy sa kanyang post.

Well, si McCoy ay kasalukuyan ring under sa talent management ng Viva.

Matatandaang nitong January 3 nang unang kumalat sa TikTok ang sweet photo ni Mary Joy kasama si McCoy na siyang nagpataas ng kilay ng mga netizens at agad siyang itinuro bilang dahilan kung bakit nagkakalabuan ang dalawa.

May mga kumalat ring screenshot sa social media kung saan nakipagpalitan ng mensahe si Mary Joy sa isang netizen at sinabing hiwalay na sila ni Elisse nang pumasok siya sa buhay ng aktor.

Samantala, sa isang Instagram story naman ni McCoy ay sinabi nitong wala naman daw third party involved sa hiwalayan nila ng aktres at hindi raw totoo ang mga kumakalat na screenshots ng mga messages sa social media.

May mga netizens naman na nag-react sa naturang post ni Mary Joy.

“AJ Raval wanna be,” sey ng isang netizen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mary Joy Santiago (@mrysntgo)

Sa ngayon ay wala pa namang diretsahang pahayag ang dalaga ukol sa pagkakasangkot nito sa isyu.

Related Chika:
McCoy de Leon, Elisse Joson hiwalay na daw; socmed influencer Mary Joy Santiago may kinalaman kaya?

Bwelta ng girlalu na nadamay sa hiwalayang McCoy-Elisse: Baka sabihin mo kabit ako, break na sila bago kami nag-usap, OK?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

McCoy de Leon kinumpirmang hiwalay na sila ni Elisse: Wala pong involved na ibang tao

Elisse Joson sinagot ang ‘I don’t wanna wait’ hugot ni Mary Joy Santiago: ‘Self respect is power!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending