Catriona umiwas, nilagpasan si Moira Dela Torre sa isang event?

Catriona Gray, Moira Dela Torre
SINADYA kaya ni Catriona Gray ang pag-iwas kay Moira Dela Torre?
‘Yan ang tanong ng maraming Marites matapos kumalat ang isang video sa TikTok kung saan present ang dalawa sa isang corporate event.
Sa post ng username na @thechikkaness, mapapanood na tinawag ng hosts ng event ang Miss Universe 2018 kung saan ay bigla naman siyang lumabas sa pintuan at naglakad paakyat ng stage.
Ngiting-ngiti si Catriona na bumeso sa dalawang guests na unang nakasalubong niya.
Katabi ng mga ito si Moira at agaw-pansin ‘yung naging kilos ng beauty queen na tila bebeso sana si Catriona, ngunit ito ay biglang umilag at nilagpasan na ang singer.
Baka Bet Mo: Moira dela Torre game na uli ang puso na ma-in love, pero hindi naman daw atat na magkadyowa agad-agad
Kasunod niyan ay hinaplos niya sa balikat ang Diamond Star na si Maricel Soriano at tumabi na kay Kai Montinola.
@thechikkaness Miss Universe 2018 Catriona Gray present at Urban Smiles Congress 2025 along with Moira dela Torre, Kai Montinola and Maricel Soriano. #UrbanSmilesCongress2025 #DrRFD #DrRFDSmile #TheChikkaness ♬ original sound – TheChikkaness
Sa comment section, marami ang nagtatanong kung bakit umilag o umiwas si Catriona bigla kay Moira.
“Umiwas slight [kay] Moira?” tanong ng isang netizen.
May nag-reply sa kanya, “‘Yan ang napansin ko.”
May mga nagkomento pa na: “Ba’t dinedma niya si Moira haha”
Sey ng isa pa, “BAKIT NILAGPASAN SI MOIRA? [laughing emojis]”
Lahad ng isa pang TikTok user, “Bakit naman may pag-iwas pa kay Moira ang Catriona??? [laughing emojis]”
Wika naman ng isa pang nag-comment, “Ang alam ko, si Moira malapit na kaibigan ni Sam Milby. Si Sam Milby ex fiance ni Cath.”
Very true naman na super close sila Sam at Moira na halos kapatid ang turingan nila, pero kamakailan lang ay naging isyu ‘yung pag-unfollow kay Moira ng ilang kapwa-singers at kabilang na riyan ang aktor.
Ito ay mahigit isang buwan mula nang ibalita ng showbiz insider na si Ogie Diaz na may nakarating sa kanya na tuluyan nang binitawan ng Corrnerstone bilang talent ang dalaga dahil sa attitude problem nito.
Nauna na namin itong naisulat at ilan lamang sa mga naka-unfollow na umano sa dalaga ay sina Yeng Constantino, Erik Santos, at TJ Monterde.
Kahit hindi naka-follow si Sam sa official IG page ni Moira ay nakita naman namin na following pa rin siya sa isa pang account ng dalaga na ang username ay @moiraslion na kung saan ay bida ang furbabies ng singer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.