Angelica, Kim, Bela ipinagdiwang ang ‘love’ month: ‘May forever sa AngBeKi!’

PHOTO: Instagram/@iamangelicap
ANG buwan ng Pebrero o love month ay tungkol a pagpapahalaga sa lahat ng anyo ng pag-ibig.
Ito ‘yung panahon na hindi lang para sa mga magkasintahan, nagde-date o mag-asawa…ito rin ay para ipagdiwang din ang pagmamahal sa mga kaibigan!
Katulad na lang ng AngBeKi, ang pinagsama-samang pangalan nina Angelica Panganiban, Bela Padilla at Kim Chiu na nagkaroon ng bonggang date bago sumapit ang Araw ng mga Puso.
May special guest pa sila na si Beanie na anak ni Angelica.
Sa Instagram, masayang ibinandera ni Angelica ang naging bonding moments nilang tatlo.
Paliwanag pa ng celebrity mom sa caption, “Importante sakin mag celebrate ng love month na maramdaman ng mga taong mahal ko ang pagmamahal kahit kaibigan lang ang nagpapaabot ng love.”
“Love is love. And I love my BeKi girls,” wika pa niya.
Mensahe pa niya kina Kim at Bela, “Salamat sa isang gabi na napakahirap tapusin. Love you both [emoji].”
Humirit pa si Angelica na sana ay gawin na nila itong tradisyon tuwing love month.
View this post on Instagram
Sa comment section, marami ang napa-sana all sa matibay na friendship ng AngBeKi.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Alam niyo bang marami kayong na-iinspire na magkakaibigan din [heart emoji]”
“Love your friendship may forever sa AngBeKi [red heart emojis]”
“You have the best friendship #AngBeKi [smiling face with hearts, red heart emojis].”
“Grabe ang friendship nila [smiling face with heart eyes emoji] Good to see you ang AngBeKi.”
“I’m super inlove with your friendship [smiling face with heart eyes emoji] love you, AngBeKi [flying kiss emoji]”
Kung matatandaan, naikuwento ni Kim sa dating panayam kung paano nabuo ang grupo nilang “AngBeKi”.
“Twitter name lang yan. Pinagsama yung Angelica, Bela, and Kim. Sakto naman mga bakla naman kami. Babaeng bakla. So sige AngBeKi na lang tayo,” chika niya.
Sey ni Kim, nakilala niya si Bela dahil sa isa nilang common friend.
Hanggang sa makachikahan na nila si Angelica matapos dumalo sa isang party at mula noon naging close na sila sa isa’t-isa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.