BB Gandanghari binatikos dahil sa pagpasok sa mosque, pagsusuot ng ‘hijab’

PHOTO: Screengrab from Instagram/gandangharibb
NADISMAYA ang maraming netizens sa recent Instagram post ni BB Gandanghari.
Ito ‘yung video na makikitang naglalakad siya na may suot na “hijab” at pumasok sa isang mosque.
Mapapanood pa nga na nandoon sa nasabing worship place ang kanyang kapatid na si Robin Padilla at misis nito na si Mariel Rodriguez.
Ang caption pa ni BB sa post ay, “#Peace – to our Muslim brothers and sisters [ heart emoji]…Salamalaykum [folded hands emoji].”
Baka Bet Mo: Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako
Base sa aming na-research, ang hijab ay karaniwang sinusuot ng mga babaeng Muslim bilang simbolo ng modesty at privacy.
May hijab din daw ang mga lalake, pero ito ay ibang-iba sa mga kababaihan.
View this post on Instagram
Sa comment section ng IG post ni BB, halo-halo ang naging reaksyon ng netizen, lalo na ng mga kapatid nating mga Muslim.
May ilan na bumatikos sa ginawa ni BB, habang ang ilan ay nagpaabot ng kanilang suporta.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Maling mali po ang ginawa niyo [sad face emoji]”
“Assalamualaikum, paumanhin po brother in Islam, pero bawal po yan. Ginagawa niyo pumasok po kayo ng mosque tapos hindi ka pa Muslim, at lalong-lalo na sa suot niyo na pambabae eh alam naman po ng laht at ng Allah na lalaki po kayo, sorry po pero ‘yun ang totoo.”
“Kahit balik-baliktarin po natin ang mundo lalaki pa rin siya.. kung gusto mo po mag-Muslim magpakalalaki ka, babae lang ang nag hijab no [hard feelings po! Nirerespeto ka namin bilang pagiging babae-babaehan mo respeto mo rin ang islam lalo na sa pagpasok sa paraiso naming mosque.”
“Babae na siya at isa pa hindi naman tayo Diyos para humusga.”
“‘Wag na po mag-comment ng nakakasakit sa kapwa! hindi ‘yan ang tamang turo ng islam ang husgaan ang ating kapwa tao.”
“I love you, laki respeto mo sa mga muslim..salamat [clapping hands, heart emojis].”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.