Maymay kabogera: Bumangon ako, iniligtas ng Panginoon at tanggap ko ang best version ko ngayon! | Bandera

Maymay kabogera: Bumangon ako, iniligtas ng Panginoon at tanggap ko ang best version ko ngayon!

Ervin Santiago - November 29, 2021 - 02:11 PM

Maymay Entrata

“INILIGTAS ako ng Panginoon at choice talaga natin kung gusto nating bumangon!” 

Ito ang ipinagsigawan ng Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata sa kanyang digital concert na “Mpowered” na ginanap last Friday at napanood sa KTX, iWant TFC at TFC IPTV.

Naging special guests niya sa “Mpowered” sina Darren Espanto,  Nyoy Volante, Mimiyuuh at AC Bonifacio.

In fairness, talagang maituturing na ring total performer at multimedia artist ang dalaga dahil bukod nga sa acting at modeling, kering-keri din niya ang kumanta at humataw on stage.

At tulad ng ibinabanderang meaning ng title ng kanyang digital concert na “Mpowered’, pinatunayan ni Maymay na ibang klase talaga ang powers at magic ngayon ng mga kabataan, lalo na ng mga kababaihan.

Sa isang bahagi ng show, naging emosyonal ang dalaga sa kanyang thank you speech, “Gusto ko pong magpasalamat ng maraming-marami pong salamat sa inyong lahat.

“At sa Panginoon, thank you dahil talagang nabigyan Niya ako ng talento na kung saan ay maibabahagi ko po sa inyo, at patuloy Niya akong ginawang inspirasyon sa ibang tao.

“I feel empowered ulit ngayon at hindi na yata ito matatapos, at hindi ko yata siya hahayaan na mawala sa akin,” lahad pa ng “Pinoy Big Brother Lucky Seaeon 7” big winner.

View this post on Instagram

A post shared by MayMay Entrata (@maymay)


Dagdag pa niyang mensahe, “Gusto ko lang sabihin sa inyo na na-felt ko po yung unang feeling ng empowered nu’ng finally, nasabi ko na sa sarili kong tanggap ko na yung buong pagkatao ko.

“Na tanggap ko na yung kakayahan ko at yung weaknesses ko. At umabot po talaga du’n sa puntong tanggap ko na kung ano ako ngayon, at kung ano ako dati.

“Yung mga pagkakamaling nagawa ko, yung mga past na kung saan sobrang sakit, tapos hindi ko alam kung saan ako lulugar para maging okay ako.

“Pero yun nga, iniligtas ako ng Panginoon. At sa huli, choice talaga natin kung gusto nating bumangon. At masayang-masaya ako na bumangon ako, nandito ako ngayon, at tanggap ko ang best version ko ngayon na Maymay. May ibang Maymay na ngayon!

“Hindi naman iba talaga, pero yung best version na ako, at yun ay enough na sa akin kaya yun ay nagbigay talaga sa akin ng confidence po talaga kung saan ay naging confident po ako sa mga abilidad ko.

“At siyempre, makapagbigay ng pagbabago din sa mga taong naranasan yung mga mahihirap na sitwasyon katulad ko.

“At ayun, habang buhay ako, nandito ngayon, hangga’t andito yung ABS-CBN na sumusuporta sa akin at naging tulay ng aking pangarap na patuloy akong magbigay ng kasiyahan, inspirasyon at pag-asa,” mahabang sabi pa ni Maymay.

Bago maganap ang “MPowered” ipinangako ni Maymay na marami siyang gagawin pasabog, “Isa sa mga pinakanagustuhan ko talaga sa concert ay ibang-iba ‘yung atake, kabogera ‘yung every performance ko doon.

“All in all, ang gusto ko lang naman maiparating ay maging empowered at mas maging masaya sila. Kasi gusto ko ‘yung araw ng concert maging isang selebrasyon kumbaga na choice natin na maging masaya,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/292000/kahit-anong-gawin-mo-na-maging-mabait-at-perpekto-lagi-silang-may-sasabihing-mali
https://bandera.inquirer.net/291632/maymay-hindi-payag-na-magpakita-ng-motibo-sa-taong-gusto-nya-ayaw-kong-manligaw-kahit-hindi-ako-kagandahan-bahala-kayo-dyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending