Ruru sa totohanang action scenes nila ni Paul sa Lolong: Maraming beses po talagang nagkasakitan kami | Bandera

Ruru sa totohanang action scenes nila ni Paul sa Lolong: Maraming beses po talagang nagkasakitan kami

Ervin Santiago |July 06,2022
facebook
share this

Ruru sa totohanang action scenes nila ni Paul sa Lolong: Maraming beses po talagang nagkasakitan kami

Ervin Santiago - July 06, 2022 - 08:06 AM

Ruru Madrid at Paul Salas

NAGPALITAN ng papuri para sa isa’t isa sina Ruru Madrid at Paul Salas na napapanood ngayon bilang mortal na magkaaway sa Kapuso primetime series na “Lolong.”

Nag-post ang Action-Drama Prince ng GMA sa kanyang Instagram account ng litrato nila ni Paul na kuha sa set ng “Lolong.”

“Sobrang proud ako sayo brother!” ang simulang caption ng binata sa kanyang IG post at itinag nga si Paul na gumaganap na kontrabida niya sa bagong serye nila sa GMA 7.

“I saw your dedication sa craft mo. You gave everything in every scene na ginagawa mo and kahit kailan di mo kami nabigo. Lahat ng sacrifices mo pag dating sa trabaho magiging worth it yun.

“You deserve all the praises na binibigay namin sayo kasi totoo yun. Maswerte ako at nakatrabaho kita. Sabi mo nga simula palang to at magbabago ang mga buhay natin dahil sa programa na ito,” mensahe pa ni Ruru sa kanyang co-star.

Nag-reply naman agad si Paul sa post ng kaibigan, “Salamat sa binigay mong tiwala sa akin at salamat din every scene hinding-hindi ka nagkukulang ibigay lahat ng makakaya mo para maging isang Lolong!”

“Lodi kita bro nai-inspire ng pagka-passionate mo ang mga katrabaho mo isa na ako du’n. Thanks sa suporta congrats sa atin!! Excited na ako mapanood ang mga pinaghirapan natin,” dagdag pa ng young actor.

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Samantala, inamin din ni Ruru na hindi raw talaga maiwasan na magkasakitan sila ni Paul sa mga fight scenes nila sa “Lolong” kaya pagkatapos ng kanilang intense fight scenes ay puro pasa at galos sila.

“Maraming beses po talaga na nagkasakitan kami.

“Hindi po para magkasakitan kami, kundi para mapaganda yung eksena. Siyempre, gusto po namin na lumabas yung totoo,” ani Ruru.

“Nasa emosyon kami ni Ruru. Eh minsan, kasi kapag papunta na sa tiyan yung suntok, eh alam ko naman, six-pack abs naman ‘to, ‘di naman niya mararamdaman ‘to pero naiintindihan niya naman,” natawang sabi naman ni Paul.

Dagdag pa niyang chika, “Kaya rin siguro nagiging maganda ‘yung eksena kasi ine-enjoy naming dalawa. Lumalabas yung passion namin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Lolong” sa GMA Telebabad.

Paul Salas umamin na sa tunay na relasyon nila ni Mikee Quintos: Hindi naman kami nagmamadali pero dating kami…

Ruru Madrid hindi nagpa-double sa ‘Lolong’: Lahat ng buwis-buhay stunts ako ang gumawa

Ruru Madrid emosyonal sa presscon ng ‘Lolong’, muntik nang sumuko: Napilay ako, napako, lahat pinagdaanan namin dito

Kilalang female celeb ilang beses nang nag-positive sa COVID-19, hanggang ngayon naka-quarantine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending